NAG-angat ng tingin si Yssabelle ng makarinig siya ng mahinang katok sa pinto ng kwarto nila sa quarter ng mansion. At mayamaya ay naramdaman niya ang paggalaw ng seradura at ang pagbukas ng pinto. At nakita niyang sumilip si Manang Susan sa pinto. Napatayo naman siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kanyang kama nang makita niya ito. "Bakit po, Manang Susan?" tanong naman ni Yssabelle dito ng magtama ang mga mata nila. "Pinapatawag ka ni Ma'am Mary sa may library," imporma naman ni Manang Susan sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso niya sa sinabi nito sa kanya. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi bago siya nagsalita. "Sige po," wika naman niya dito. Mayamaya ay umalis naman na si Manang Susan sa harap niya. Sa halip naman na lumabas sa kwar

