TAMA nga ang kasabihan ng karamihan na, 'May Tenga ang lupa at may pakpak ang balita' dahil kahit na tikom ang bibig niya tungkol sa napag-uusapan nila Ma'am Mary at Sir Simon kahapon tungkol sa gustong mangyari ng mga ito sa kanilang dalawa ni Sir Trent ay nalaman pa din iyon ng lahat ng nasa mansion. Alam din ni Yssabelle na hindi si Sir Trent ang nagsabi sa lahat ng tao sa mansion dahil kahapon pa ay umalis na ito. At alam niyang hindi nito iyon sasabihin sa iba dahil against nga ito sa pagpapakasal nila. Hindi na din ito umuwi kagabi pa at napag-alaman niya mula sa Lola nito na bumalik na ito sa condo nito. And he is back to work. At usap-usapan nga sa mansion ang pagpapakasal nilang dalawa ni Sir Trent. Napapansin nga niya ang kakaibang tingin na pinagkakaloob sa kanya ng kasamaha

