ABALA ang lahat sa mansion. Lalo na silang nasa kusina dahil hindi lang isang putahe ang niluluto nila, kundi apat na putahe. May darating kasing importanteng bisita sa mansion ng araw na iyon. Ang Lolo at Lola ni Sir Trent na naninirahan sa ibang bansa. Nag-inform na sila ni Manang Susan noong nakaraang araw na may darating silang bisita na galing sa ibang bansa. At ang bisita na tinutukoy nito ay ang Lolo at Lola ni Sir Trent. Kahapon nga din ay nag-grocery sila ng mga kailangan nila sa mansion, madami nga silang pinamili, lalo na ang stock nila sa fridge dahil dalawang linggo ang mga ito na magbabakasyon doon. "Okay na ba iyang niluluto mong sinigang, Yssabelle?" tanong ni Manang Susan sa kanya. Naroon ito sa kusina para samahan sila at i-supervise. Nilingon naman niya ito sa gilid

