ABALA si Yssabelle sa pagtitimpla ng kape ng mapatigil siya ng lapitan siya ni Anna. Binalingan naman niya ito sa kanyang tabi at napansin niya na nakasimangot ito. "Bakit, Anna?" tanong naman niya dito. "Parang favorite ka nila," komento nito sa kanya, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin ito sa kanya. Bahagya namang kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. Anong sinasabi nitong favorite siya? "Napapansin ko parang favorite ka ng mga bisita," wika nito, mababakas sa boses nito ang pagka-selos. Bahagyang napaawang naman ang bibig niya sa iniisip nito sa kanya pero nang makabawi sa pagkabigla ay bumuka ang bibig niya. "Mukhang hindi naman," sagot naman niya kay Anna. "Pero iyon ang napapansin ko," pilit na

