MAGKASALUBONG ang mga kilay ni Trent habang naglalakad siya sa hallway patungo sa opisina niya. Halos hindi nga din maipinta ang mukha niya ng sandaling iyon. Napansin nga niya na natakot ang mga empleyado niyang nakakasalubong niya nang makita ng mga ito ang ekspresyon ng mukha niya. "Good morning, Sir," bati naman ni Tina sa kanya nang mapadaan siya sa cubicle nito. Pero hindi niya ito sinagot, hindi nga din niya ito sinulyapan. Deretso lang siya sa paglalakad hanggang sa buksan niya ang pinto sa opisina niya. Sanay naman na si Tina sa pag-uugali niyang iyon kaya nga nagtagal ito sa kanya. At saka na pumasok si Trent sa loob ng opisina. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng hinubad niya ang suot na tuxedo at saka niya iyon isinabit sa coat rack na nasa loob ng opis

