DAYS passed. Nasa condo na naman silang dalawa ni Trent. At naging routine na din ni Yssabelle sa tuwing umaga kapag nasa condo siya nito ay gigising siya ng maaga para ipagluto ito ng breakfast at sinasabay na din niya ang pagluluto ng lunch para maipagbaok niya ito ng lunch na dadalhin nito sa opisina. Lagi nga niya itong inaabangan sa sala ng condo nito kapag aalis na ito para lang i-abot ang lunch nito. At mukhang nasanay na din si Trent na ipinagbabaon niya ito dahil hinihintay din siya nito. Kapag papasok naman si Trent sa opisina ay naiiwan siyang mag-isa sa condo. Hindi naman siya umaalis ng condo dahil wala naman siyang ibang pupuntahan, naroon lang siya buong hapon. Nakakalabas lang siya kapag mag-go-grocery siya na kailangan nila sa condo o hindi kaya ay tinatawagan siya ni Lo

