TINANGGAL ni Yssabelle ang seatbelt niya ng maiparada ni Trent ang minamaneho nitong kotse sa parking sa simbahan. Linggo ngayong araw at nagyaya si Lola Mary na magsimba silang tatlo. At mayamaya ay napatingin siya sa kanyang harapan ng bumaba si Trent mula sa driver seat at pinagbuksan sila nito ng pinto. Nauna siya nitong pinagbuksan dahil nakasakay siya sa passenger seat at sinunod naman nitong pagbuksan ng pinto ang Lola Mary nito na nakasakay naman sa backseat ng kotse. Do'n siya sa passenger seat sumakay dahil ayaw niyang magmukhang driver si Trent kung tatabihan niya si Lola Mary sa likod. Bumaba na si Yssabelle ng sasakyan. Nakita naman niyang inalalayan ni Trent si Lola Mary na bumaba ng kotse. "Let's go?" yakag naman na ni Trent sa kanila. Lumapit si Yssabelle kay Lola M

