MAS lalo ngang naramdaman ni Yssabelle ang panlalambot ng kanyang mga binti habang magkahinang ang mga mata nilang dalawa ni Sir Trent. Mas lalo din niyang naramdaman ang pagkabog ng kanyang dibdib ng sandaling iyon. Bakit kaya nando'n si Sir Trent? Hindi naman niya napigilan na itanong iyon sa isip niya. Wala talaga siyang ideya na naroon din si Sir Trent. Hindi niya alam na invited din pala ito do'n. Kung alam lang niya ay hindi siya sasama kay Chester. Gusto tuloy kumaripas ng takbo ni Yssabelle ng sandaling iyon. "Yssabelle, come here," tawag naman ni Chester nang mapansin nitong hindi pa siya kumikilos mula sa kinatatayuan niya. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi at saka siya dahan-dahan na naglakad palapit sa mga ito. Habang palapit na palapit siya ay palakas nang p

