Chapter 46

2462 Words

"TRENT." Kumabog ang dibdib ni Yssabelle nang marinig niya ang pangalan na tinawag ni Chester. "What?" mayamaya ay narinig niya ang baritonong boses mula sa likod niya. Sampung minuto pa yatang nag-stay si Trent sa labas ng hotel bago ito bumalik sa loob ng bulwagan. "Anong oras ka uuwi?" tanong ni Chester sa pinsan nito. "I'm going home now. Magpapaalam lang ako sa may party," sagot nito sa malamig pero baritonong boses. "Oh, tamang-tama. Isabay mo na ang asawa mo," wika naman nito kay Trent. "Gusto na daw niyang umuwi." Hindi naman napigilan ni Yssabelle ang panlalaki ng kanyang mga mata sa narinig na sinabi ni Chester sa pinsan nito. Lalo na noong sinabi nito ang salitang 'asawa.' Hindi nga din niya napigilan ang magpalinga-linga sa paligid baka kasi may ibang makarinig sa s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD