NANG matapos makapagpagpalit ni Yssabelle ng damit ay lumabas na siya ng van na kinasasakyan. Pagkababa naman niya ay nagulat siya nang makita niya si Trent sa labas. Nakasandal ang katawan nito sa van. Nakapikit ang mga mata nito habang naka-krus ang dalawang braso nito sa ibabaw ng dibdib nito at kahit na nakapikit ang mga mata nito ay magkasalubong pa din ang mga kilay nito. Saglit naman siyang napatitig kay Trent hanggang sa tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. "Sir Trent," tawag din niya sa pangalan nito. Sa pagkakataong iyon ay nagmulat ng mga mata si Trent at bumaling ito sa kanya. Agad naman na nagtama tama ang itim na mga mata nila. Saglit siya nitong tinitigan hanggang sa umalis ito mula sa pagkakasandal nito sa van. Isinuksok din nito ang isang kamay sa bulsa ng suot

