NASA may garden si Yssabelle at Lola Mary habang nagka-kape. Niyaya kasi siya nito do'n pagkatapos nilang mag-breakfast. "Kamusta naman kayo ni Trent, Yssa?" Nag-angat si Yssabelle nang tingin patungo kay Lola Mary nang marinig nito ang sinabi niya. "Kamusta ang pagsasama niyo bilang mag-asawa?" dagdag pa na tanong nito ng magtama ang mga mata nila. Hindi naman siya agad nagsalita. Hindi kasi niya alam kung ano ang sasabihin dito, hindi niya alam kung paano niya sasabihin na hindi siya itinuturing na asawa ni Trent, na sa papel lang sila mag-asawa na dalawa. Medyo maganda lang ang pakikitungo nito sa kanya dahil nandito ang Lola Mary nito. Pero alam niya na kapag umalis na ai Lola Mary ay babalik na ito sa dati. He will be cold again towards her. "D-dati pa din po," sagot lang naman

