NAGHAHANDA si Yssabelle para umalis ng mansion. Pupunta kasi siya sa condo ni Trent para gawin ang trabaho niya do'n. Hiniling nga din ni Yssabelle na sana ay wala do'n si Sir Trent dahil parang hindi niya ito kayang harapin pagkatapos ng mangyari sa kanila apat na araw na ang nakakaraan. Iyon na nga din ang huli niyang kita kay Sir Trent, simula niyon ay hindi na niya ito nakita pa. Well, pabor din naman sa kanya iyon dahil ayaw pa niya itong makaharap dahil malinaw na malinaw pa din sa isip niya ang mainit na sandali na pinagsaluhan nila. Mas malinaw nga ang pangalawang beses na may nangyari sa kanila kaysa unang beses niyang naisuko ang bataan. Nang matapos naman na si Yssabelle sa pagbibihis ay lumabas na siya sa kwartong tinutuluyan at dere-deretso na din siyang lumabas sa quarter n

