"YSSABELLE." Napahinto si Yssabelle mula sa pagpupunas sa staircase ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Manang Susan. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya sa isang baitang ng hagdan sa mansion at saka siya lumingon sa likod niya. Bumaba siya sa hagdan para lapitan ito. "Bakit po, Manang?" tanong ni Yssabelle kay Manang Susan ng tuluyan siyang nakalapit. "Samahan mo si Mae na magpunta sa Mall. Mag-grocery kayong dalawa na kailangan natin para sa mansion," imporma ni Manang Susan sa kanya. "Ngayon na po ba?" tanong ni Yssabelle, kung mamaya pa kasing hapon sila mag-go-grocery ay tatapusin muna niya ang paglilinis niya dito sa mansion para matapos na siya. "Oo. Nakahanda na si Mae," wika naman ni Manang Susan. "Ah, sige po," sagot niya. Kung aalis na sila ay mamaya na lang

