TINAKPAN ni Yssabelle ang bibig ng hindi niya mapigilan ang mapahikab habang nakatutok ang tingin niya sa harap ng computer. At hihikab ulit sana si Yssabelle nang mapatigil siya ng hindi sinasadyang napatingin siya kay Trent at nakita niyang nakatingin ito sa kanya. There's a soft expression in his eyes right at the moment as he looked at her. Kanina pa ba siya nito tinitingnan? Umayos naman si Yssabelle mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair niya. At akmang itutuon niya ang atensiyon sa harap ng computer nang tawagin ni Trent ang pangalan niya. "Yssabelle." "Bakit?" tanong naman niya dito. Saglit naman itong hindi nagsalita, nakatitig lang ito sa kanya. Pero mayamaya ay bumuka ang bibig nito para magsalita. "If you are sleepy you can take a nap," wika nito sa kanya. Pinagdi

