NAIWAN na mag-isa si Yssabelle sa opisina ni Trent. Nasa conference room kasi si Trent dahil may meeting ito with Board Of Directors ng kompanya nito. Naiwan naman siya sa opisina nito. Pero hindi naman siya masyado nabo-bore dahil may trabaho ito na iniwan sa kanya bago ito umalis ng opisina para makipag-meeting. May ipinapa-type kasi itong dokumento sa computer. At sa katunayan at malapit na siyang matapos sa pinapagawa nito. Hindi naman kasi iyon marami, tatlong pages lang yata iyon. At mayamaya ay inalis ni Yssabelle ang tingin sa harap ng computer ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng pinto ng opisina. Naramdaman niya ang paggalaw ng seradura at mayamaya ay bumukas iyon. At pumasok do'n ang secretary ni Trent na si Tina. "Hi, Yssabelle," nakangiting bati na

