KUMUNOT ang noo ni Yssabelle nang makarinig siya ng doorbell mula sa labas ng pinto sa condo ni Trent. Napatingin naman siya sa orasan na nakasabit sa dingding at nakita niyang alas diyes y media ng umaga. Hindi din niya napigilan ang mapanguso ng sumulyap siya sa pinto ng condo. Wala kasi siyang inaasahan na bisita, wala din sinabi si Trent na darating na bisita sa condo nito ng sandaling iyon. Hindi kaya si Sandy ang nasa labas ng condo nito? Hndi naman napigilan ni Yssabelle na itanong iyon sa isipan. Eh, ito lang naman ang kilala niya na nagpupunta doon. Yssabelle took a deep breath. Pagkatapos niyon ay humakbang siya palapit sa pinto para pagbuksan kung sino ang nasa labas. At pagkabukas niya ng pinto ay nagulat siya nang makita niya si Lola Mary na nakatayo sa labas ng pinto. May

