Chapter 20

1092 Words

Tamad akong umupo sa upuan ko sa loob ng classroom at kung minsan ay papikit-pikit pa. Nakapangalumbaba ako habang hinihintay ang adviser namin. Mabuti na lang at ginising ako ni Ate Cil kanina. Napuyat ako kakareview kagabi. Sana naman ay makapag-exam ako ng maayos kung hindi ay sayang ang effort ko. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Pumipikit na naman kasi ang mga mata ko. Inaantok pa ako! "Hey, Cheeyah! Are you okay?" tinanggal ko ang pagkakatakip sa mukha ko at tiningnan si Mateo. "Mukha ba akong okay?" sarkastikong sabi ko. "Anong nangyari? Ang laki ng eyebags mo." aniya at masama ko lang siyang tiningnan. Kailangan ba talagang ipamukha? Oo na! Napapikit mo na ako bago ko siya sinagot, "Inaantok pa ako," sabi ko at biglang humikab. Umalis si Mateo at may kin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD