Chapter 5

1440 Words
Kinabukasan ay pumasok na ako sa school at agad na bumungad sa akin ang tanong ni Mateo kahit na na-i-kwento ko na sa kanya ang lahat kagabi. "Anong plano mo?" tanong niya sa akin nang makaupo na kami sa upuan namin dito sa room. "Wala, iiwasan ko nalang. 'Yun lang," sabi ko sa kaniya habang nilalabas ang notes ko. "That's good. Iba talaga ang feeling ko sa kaniya, alam mo 'yun? Yung feeling na madali lang niyang masasaktan ang isang babae," aniya at napatingin ako sa kaniya. "Huwag na nating pagusapan 'yon. Anyway, where's my milktea, fries, burger, and spaghetti. Hmm?" sabi ko sa kaniya at ngumiti siya sa akin. "Heto na po, ma'am," sabi niya sa akin at inilapag sa desk ko ang isang plastic na may laman, syempre. "Woah, this is great! Thank you so much, my friend!" sabi ko sa kaniya at tiningnan ko ito. Kukunin ko na sana ang milktea nang pumasok ang Prof. namin. Wew! Wrong timming. Ibinaba ko muna ang mga ito at nakinig na mo na kay Sir. Nang maglunch break na ay muli kong itinaas ang plastic. Kukunin ko na sana ang milktea nang may tumawag sa akin. What? Bakit ba? Tiningnan ko kung sino 'yon at yung president pala namin dito sa room. "Ano 'yon?" tanong ko sa kaniya. "May sasabihin kasi ako sayo pero gusto ko sana privately," aniya na nagpakunot ng noo ko. "Mr. President, pwede bang kumain muna ako?" nginitian niya ako at tumango. Mabilis kong inilabas ang milktea at sa wakas ay wala ng istorbo. Kinuha ko ang straw at isinaksak na sa baso ng milktea. "Hey, anong sabi ni Pres.?" tanong sa akin ni Mateo na may dala rin palang pagkain. "Ewan, gusto niya mag-usap kami privately daw," sabi ko at kumain nang spaghetti. "Alam mo may feeling din ako riyan e," sabi niya at seryoso akong napatingin sa kaniya. "Lakas ng instinct mo, ha!" natatawang sabi ko pero siya ay seryoso pa rin. "Feeling ko magko-confess 'yun sayo," sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. "Hoy, Mateo! Magdahan-dahan ka nga sa sinasabi mo. Hindi magkakagusto sa akin 'yon. At saka sigurado ako na mataas ang standard non pagdating sa babae," paliwanag ko sa kanya pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. "Tsk, akala mo lang 'yan. Hindi dahil sa matalino siya ay mataas na ang standard pagdating sa babae. Kapag ang lalaki tinamaan kahit ano pa man 'yung babae gugustuhin 'yan. Tandaan mo lalaki yata ang kaibigan mo," sabi niya at kumindat sa akin. Imbis na matawa ako ay naging seryoso ako at iniisip kung pwede ba talagang mangyari 'yon. E, kasi naman madalang ko lang kausapin at hindi ko naman siya pinapansin. "Anong gagawin ko n'yan?" tanong ko sa kanya. "Sabihin mo ang totoo kahit masakit para sa kanya," sabi niya. Bigla akong napatahimik at tiningnan lang ang pagkain ko. Kung kanina ay gusto kong ubusin lahat ngayon naman ay parang hindi na ako makakain. "Hey, don't take it seriously. Sayang ang milktea," aniya pero hindi sapat 'yon para kumalma ako. "Sayo na lahat. Nawalan na ako ng gana. Kinakabahan ako, Mat," sabi ko sa kanya. Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at linapitan ako. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Ang lamig," sabi niya at bahagyang natawa. "Huwag kang kabahan, it just my feeling. Malay ba natin kung ano talaga ang pag-uusapan niyo," sabi niya habang hawak pa rin ang dalawa kong kamay. "Just inhale," sabi niya at ginawa ko naman. "Exhale," sabi niya at nginitian ako. "Ang ganda mo kasi," sabi niya at tumawa pagkatapos ay bumalik na ulit siya sa upuan niya. "Kasalanan ko ba?" "Sabi ko nga hindi," aniya at natawa ako. I'm so lucky to have a bestfriend like Mateo, I'll treasure him no matter what. Iniba niya ang topic para maubos ko raw ang mga pagkain ko. Nang hindi ko na talaga kaya ay tinulungan niya ako. Siya na rin ang nagtapon ng mga platic bag na ginamit namin. Hindi pa man nakakabalik si Mateo nang dumating ang president namin naglalakad siya papunta sa akin. "Can we talk?" tanong niya sa akin at tumango ako. Tumayo na rin ako at sumunod sa kaniya. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan na magtanong. "Tungkol saan ba?" tanong ko sa kaniya. "It just about Bryan," aniya at tumigil sa harap ng Science Lab. "Ha? Sino 'yon?" "Bryan Klerk, a Chemical Engineering student," sabi niya habang nakapamulsa sa harap ko. "Anong tungkol sa kanya?" "Nagrequest siya na maging tutor ka niya." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ano? Wait, pwede ba 'yon?" nagtatakang sabi ko. Nakita kong may mga estudyanteng napapadaan dito at kung minsan ay tinitingnan kami. "Actually, hindi. Dahil hindi related ang mga course niyo pero alam mo naman ang nagagawa ng pera," sabi niya. "Hindi ako papayag. Tutor ako? Kaya nga nag-aaral ako para matuto at hindi para magturo habang nag-aaral. Wala akong alam sa course niya." Nakita kong bumuntong hininga siya. "Okay lang. Ako na ang bahalang magpaliwanag. Sinabi ko lang 'to kasi may makukuha kang benefit kapag pumayag ka." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano naman 'yon?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ko raw pwedeng sabihin hangga't hindi ka pumapayag," aniya. Tumango-tango ako. "Sige," sabi ko at parang nabuhayan siya sa sinabi ko. "Payag ka?" "Sige, hindi ako papayag. Hindi naman nakakainteresado at hindi ko kayang gawin dahil masyadong busy din ang course natin," sabi ko. "Okay, thank you. Pasensya ka na at ginawa ko pang private ang pag-uusap natin dahil alam mo naman kung sino si Bryan Klerk, siguradong maraming magiging interesado." "Bakit hindi nalang sa iba?" "Ikaw daw ang gusto, e." "Pwedeng mauna na ako? Baka nasa room na si Prof." Pag-i-iba ko ng usapan at ngumiti ako sa kanya. "Okay, sige," aniya at tinalikuran ko na siya. Akala ko pa naman magiging totoo yung sinasabi ni Mateo, hindi naman pala. Iba talaga si hinayupak! Talagang inaasar ako at ayaw akong tigilan. Binilisan ko na ang paglakad ko pero napahinto ako sa isang pasilyo rito kung saan narito ang mga locker sa side ng hallway. Napahinto ako dahil nakarinig ako ng isang sigaw. Wala ng mga estudyante dahil siguro natapos na ang lunch break. Nakatalikod sa akin ang lalaki kaya hindi ko alam kung sino ito tanging ang babae lang ang nakikita ko. Nagtago ako sa isang locker rito. "Ano na?! Ganon-ganon nalang 'yon?!" sigaw nung babae at may luhang lumandas sa kaniyang pisngi. Ang dalawang kamay nung lalaki ay parehas na nasa bulsa at parang chill lang siya kung makatayo. Samantalang yung babae ay paulit-ulit na hinahagod ang kaniyang buhok at hindi mapakali sa kinatatayuan niya. Ano bang problema nila? Wala ba silang mga pasok? "Ano na! Wala talangang label? Umasa ako! Pagkatapos kong ibigay lahat sayo! Pati pag-aaral ko napapabayaan ko na nang dahil sa lintik na pagmamahal na 'to!" Sigaw ng babae sa lalaki kung kanina ay may luha siya ngayon ay parang galit na siya. Napailing-iling ako sa nakita ko at napagpasyahan nalang umalis dahil mukhang wala naman akong mapapala rito. Hahakbang na sana ako nang marinig ko ang boses na 'yon. "Don't you dare slap me! Ako pa talaga ang sinisisi mo sa katangahan mo, sisihin mo ang sarili mo dahil napakadali mong mauto. Tapos ka na ba sa kadramahan mo? I'm leaving, you wasted my time," rinig kong sabi ni hinayupak. Muli ay tiningnan ko sila, nakita kong nakahawak si hinayupak sa wrist ng babae na pumipigil sa pagsampal. At pagkatapos ay binitawan niya ito. "Ang sakit mo magsalita!" sabi pa nung babae at doon na nagsisiunahang lumabas ang mga luha sa mga mata niya, napaupo na rin siya habang humahagulgol. Tinalikuran na siya ni hinayupak at ako naman ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero nang malapit na siya sa kinaroroonan ko ay lumabas ako pero gaya pa rin ng kanina ay wala man lang siyang reaksyon na ibinigay. "You break her heart! How dare you! You're a bad guy! A playboy guy!" sigaw ko sa kaniya. "You're done? Tss," aniya at akmang lalagpasan ako nang pinigilan ko siya. "You deserve this," sabi ko at sinampal siya napatingin naman siya sa kabila dahil sa ginawa ko. Ohmygosh! Ano ang nagawa ko? Masama na ba ako? "I-I'm—" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang bigla niya ako inilapit sa kaniya at... hinalikan niya ako! Agad ko siyang itinulak. "That's the payment," aniya at tuluyan na siyang umalis. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil parang gusto kong manakit. Sa ginawa niyang 'to parang lalo lang akong nagalit sa kaniya! He stole my first kiss! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD