Chapter 4

1181 Words
Nasa harap kami ng front door nitong bahay habang tinitingnan ang papaalis na sasakyan ng magulang niya nang nawala na sa paningin namin ang sasakyan ay humarap ako sa kaniya. "You're fooling your own parents," sabi ko sa kaniya at tiningnan niya ako. "You don't care," sabi niya na ikinagalit ko. "Ang sama mo talaga! Aalis na ako, bahala ka na sa buhay mo!" sigaw ko sa kaniya at mabilis na naglakad. "Are you sure! Maglalakad ka lang?" Napatigil ako sa sinabi niya at tiningnan siya. "You don't care!" Panggagaya ko sa sinabi niya kanina at tinuloy ko na ang paglalakad ko palabas ng gate nila. Nakalabas na akong bahay niya at napatingin-tingin ako sa paligid. Malalaki ang mga bahay dito, nasaan kaya ako? Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Si Mama! Agad ko itong sinagot. "Hello—" "Ohmygosh! Finally, thanks God! Che! Where are you? We're worried here. Che, anak ko!" sabi ni Mama at narinig kong napahagulgol siya. Pagak akong napangiti kahit masakit na rin sa dibdib na marinig kong umiiyak si Mama. "Ma, I'm fine 'kay? Don't cry, please. Ma, I'm fine." Halos ulitin ko na lahat ng mga sinasabi ko para lang tumahan siya. Napaigtad ako at nahulog ko ang phone ko nang may bumusinang malakas. Agad kong kinuha ang phone kong nahulog. Tumigil ang sasakyan sa gilid ko. Ibinaba nito ang bintana ng sasakyan. "Get in, ihahatid na kita," sabi ni hinayupak. "Kailangan mo ba talagang gawin 'yon! Nang dahil do'n ay nahulog ang phone ko buti nalang at matibay ito! Kausap ko pa naman si Mama, nakakabastos lang, " sigaw ko sa kaniya at inirapan siya. "I'm sorry, I didn't know. Please, get in," sabi niya pero hindi pa rin nawala ang pagkakunot ng noo ko sa ginawa niya. Nanatili lang akong nakatayo. "Hey, hindi ka ba papasok sa school?" tanong niya na nakapagpapukaw ng tingin ko sa kaniya. Napatingin ako sa phone ko at alas-siete na ng umaga. Sa tingin ba niya makakapasok ako nito? E, nag-aalala pa sila Mama. Imbis na sagutin ang tanong niya ay sumakay na lang ako sa sasakyan. Dito sa backseat ako umupo. "I'm not your driver," sabi niya pero hindi ko siya kinausap nakatingin lang ako sa bintana habang nakakunot pa rin ang noo ko. We need to face the reality that we are not a child anymore. To play like this. "Diyan na lang ako," sabi ko sa kaniya nang nasa harap na kami ng village namin. Mabuti naman at inihinto niya ang sasakyan. Pagkatapos ay lumabas na ako ng sasakyan. Bahala siya sa buhay niya. Ang yaman niya nga pero parang kinulang siya sa pagkamatured. Nagmatured nga ang kaniyang pangangatawan pero hindi naman ang isip! Mabilis nalang akong naglakad dahil nasa panglimang bahay pa ang sa amin. Nang nasa harap na ako ng gate namin ay pinindot ko na ang doorbell. Bumukas ang gate at bumungad sa akin si Ate na kasambahay dito sa bahay. "Ma'am! Buti nalang po at narito na po kayo. Alalang-alala po ang Mama niyo," sabi sa akin ni Ate Cil. Pumasok na ako sa bahay at pinagbukas niya ako ng pintuan. "Salamat, 'te Cil," sabi ko sa kaniya at pinuntahan sila Mama. Nakita ko sila na nasa sala. Nang makita nila ako ay agad na tumayo si Mama at agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap. "I'm sorry, Ma. I'm sorry," paulit-ulit na sabi ko habang si Mama ay niyayakap ako ng mahigpit. Pagkatapos ng ilang minuto ay kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. "Are you okay, anak?" nag-aalalang sabi niya at tinitingnan ang bawat parte ng katawan ko kung may naging damage ba. Nginitian ko si Mama. "I'm okay, Ma." "Bakit hindi ka namin ma-contact?" In-explain ko ang lahat sa kaniya, lahat ng nangyari. "Klerk? Kilala mo ba 'yon? I think i heard that name, hindi ko lang alam kung saan," sabi ni Mama pagkatapos kong magpaliwanag sa kaniya. "Son of Mr. and Mrs. Sarmiento," biglang sabi ni Daddy habang may hawak na tasa na may lamang tsaa. "Oh, kaya pala familiar. Kaibigan mo ba siya?" Napailing ako sa sinabi ni Mama. "Just a coincidence," sabi ko at pagkatapos ay pinaakyat na ako sa kwarto. Nasabi ko rin na hindi na muna ako papasok sa school dahil nga sa nangyari. Pabagsak akong humiga sa kama ko at ipinikit sandali ang mga mata. Pero agad ko rin itong iminulat nang pumasok sa isipan ko ang hinayupak na 'yon. Kakainis talaga siya. Kinuha ko ang phone ko at tatawagan ko sana si Mateo nang maisip kong may pasok nga pala. Nakakaboring sa bahay, ha. Napaisip lang ako kung bakit hindi niya sinabi ang totoo. I mean, come to think of it. Hindi naman namin kilala ang isa't isa pagkatapos ganon lang kabilis ang lahat? Hindi kaya 'yun ang galawan niya? Galawan ng mga playboy? Ugh! Nakakaasar lang kasi ipinakilala niya ako sa mga magulang niya at girlfriend pa ang sinabi niya. Ano nalang ang gagawin ko kapag nalaman nilang hindi naman totoo? Sisisihin ko nalang 'yung hinayupak na 'yon! Hindi dapat ako nai-i-stress sa mga walang kwenta niyang pinaggagawa. Bahala na nga! I-ku-kuwento ko na lang kay Mateo para naman mai-share ko ang problema ko sa kaniya. Sinubukang kong matulog ulit pero hindi ko magawa kaya tumayo nalang ulit ako at lumabas ng kwarto. Ang tahimik dito sa bahay. Huminto ako rito sa harap ng front door at tiningnan kung ano ang ginagawa nila Ate Cil, nakita kong nagdidilig sila ng halaman at inaayos ang mga 'yon. Napatingin ako kay Ate Cil nang pumunta siya sa gate at bahagyang binuksan ito. May tao ba? Sinubukan kong silipin pero hindi ko talaga makita kung sino. Dahil sa curious ko ay pinuntahan ko sila. "Ate Cil, sino po 'yan?" tanong ko sa kaniya at napatingin siya sa akin. "Hindi ko kilala pero hinahanap ka niya," sabi ni Ate Cil at umalis na siya. Napatingin ako sa gate at nakita kong si hinayupak lang pala. "What are you doing here?" mataray na sabi ko. "Dito ka ba nakatira?" tanong niya sa akin at napatingin sa bahay. "Hindi, nakikitira lang ako rito," pamimilosopo ko sa kaniya. "Ang sungit mo, kailan ka ba magbabago? huh?" sabi niya na nagpairita sa akin. Ako pa talaga ang kailangang magbago? Excuse me, don't me. "Sayo lang ako ganito. Ano bang ginagawa mo rito?" Bigla niyang kinuha ang isang kong kamay kaya agad ko itong binawi. "Ano na naman bang pinaplano mo!" inis na sabi ko sa kaniya. "Hindi mo ako madadaan sa mga galawan mong bulok!" sabi ko sa kaniya at isinara na ang gate. Napatingin ako sa kaniya at nakatitig lang siya sa akin pagkatapos ay biglang napangisi. "Tsk. Sa una ka lang matigas, mapapalambot din kita." Seryosong sabi niya. Napataas lang ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Leave me alone," sabi ko sa kaniya at akmang tatalikod na sana ako ng magsalita ulit siya na nagpatigil sa akin. "Sa oras na maramdaman mo ang kakaibang pakiramdaman, humanda ka na." May pagbabantang sabi niya. Anong tinutukoy niya? Para akong kinabahan ng one percent. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD