Chapter 3

1316 Words
Nagising ako at napatingin ako sa paligid ko, patay ang mga ilaw at ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang liwanag na naggagaling sa bintana. Napaupo ako sa kama. Nasaan ako? Ang huling natatandaan ko ay kasama ko ang hinayupak na 'yon. Hindi kaya may ginawa siya sa 'kin? Agad kong tiningnan ang katawan ko at nakasuot ako ng bagong damit na ternong pajamas. Ohmygosh! Hindi kaya? Kainis, bakit ba ako nadala sa kabutihan niya? Umalis ako sa kama at umupo sa sahig at sumandal sa kama. Anong gagawin ko? Yung phone ko? Napatingin-tingin ako sa paligid at nakita kong nakacharge 'yon, kinuha ko ito at binuksan. Maraming missed calls at text mesaages sila Mama at Mateo. I-ko-call ko sana si Mama nang mapatingin ako sa oras nitong phone ko, four a.m na pala ng madaling araw! Agad akong tumayo at dahan-dahan na binuksan ang pintuan. Kailangan ko ng umalis. Pagkalabas ko ng kwarto ay hindi ko na alam ang gagawin ko dahil ang laki nitong bahay. Agad kong hinanap ang hagdanan pababa at mas lalo akong nagulat nang ang haba pala hagdanan. Ano ba 'to? Mansion? Wala na akong choice kaya mabilis na akong bumaba nang walang ginagawang ingay. Nasa baba na ako at akmang bubuksan ang front door nitong bahay nang may magsalita. "You're leaving?" Napairap ako sa tanong niya at humarap sa kaniya. "Obvious ba?" Masungit kong sabi sa kaniya. "Oh, bumalik ka na sa dati. Ang sungit mo pagkatapos kitang tulungan. Tss," sabi niya at umupo sa couch dito sa sala. "Nag-Thank you naman ako sa 'yo, ha. That's enough," sabi ko sa kaniya. "At may ginagawa ka ba sakin? Sabihin mo yung totoo!" Medyo napalakas ang sabi ko dahil hindi ko na talaga kaya ang mga naglalaro sa isip ko na baka may nangyari nga. "What do you think?" sabi niya at tiningnan ako. "You think, may ginawa ako sayo? Tss, sinabi ko naman sayo na may taste ako at hindi ako pumapatol kung kani-kanino lang," aniya na nagpagalit sa akin. "Ang kapal mo talaga! Akala mo gwapo ka? Pwes hindi, hindi, hindi!" sigaw ko sa kaniya. Peke siyang tumawa, "Watch your words, baka isang araw mainlove ka sakin," sabi niya na nagpatawa sa akin. "Ha, Ha, Ha, in your dreams!" sabi ko at bubuksan na sana ang pintuan kaso nakalock ito. Napabuntong hininga ako at napilitang lumapit sa kaniya. "Open the door," utos ko sa kaniya. "No, saka ka na umuwi kapag sumikat na ang araw." "Kainis, I don't have any choice," sabi ko at humiga ulit sa mahabang couch. Malayo naman ang pagitan namin at hindi ako papayag na magkalapit kami. Napatingin ako sa kaniya nang may pumasok sa isipan ko. "By the way, 'kaw ba ang nagpalit ng damit ko?" "Hindi, that's too awkward. Lalaki pa rin ako. Si Manang ang nagpalit niyan dahil basa ang damit mo," paliwanag niya. Hindi na ako nagsalita at nakatingin lang ako sa chandelier nitong bahay. Nakita ko sa gilid ng aking mata na tumayo siya at umalis. Hindi naman talaga ako ganon e, i mean hindi naman ako ganon makitungo sa isang tao kahit na babae o lalaki pa 'yan. Hindi ko lang talaga matanggap na simpleng sorry lang ay hindi niya magawa. Pero parang pride ko na lang ata ang umiiral dahil kung tutuusin ay napakaliit lang na bagay 'yon. Pagii-isipan ko muna ang gagawin ko para hindi ko na siya masungitan ng ganon parang lumilitaw lang na ako yung masama. Pumikit ako pero gising pa rin ang aking isipan. Sa totoo lang parang pride ko na lang talaga ang umiiral dahil kung tutuusin ay ang dami niyang ginawa sa akin na para sa kapakanan ko. Ano na bang gagawin ko? Susundin ko nalang kaya ang sinabi ni Mateo, tama! Si Mateo, sigurado akong gising pa 'yon! Agad akong umupo sa couch, pero napatigil ako nang nasa harap ko siya at may hawak na isang kumot. "What?" tanong ko sa kaniya. "Here," aniya at inabot sa akin ang kumot kinuha ko naman ito. Hindi ko na siya tiningnan pa at binuksan ko nalang ang phone ko. Sinubukang kong tawagan si Mateo pero cannot be reach. Wow! Mag-pa-five a.m na ng umaga. Tsk, akala ko pa naman maagang siyang nagigising. Ibinaba ko na ang phone ko at inilagay sa center table nitong sala. Humiga nalang ulit ako at ginamit ang kumot. Ipipikit ko na sanang muli ang mga mata ko nang makita ko siyang nakaupo sa dulo nitong kinahihigaan kong couch. Ano pang ginagawa niya? "Hey, pwede bang umalis ka riyan? Hindi kasi kasiya yung mga paa ko kung nandiyan ka," sabi ko sa kaniya. Tiningnan niya lang ako at nagulat ako sa ginawa niya. Kinuha niya ang dalawa kong paa at ipinatong sa hita niya. Napabangon tuloy ako sa ginawa niya at ibaba ko na sana ang dalawa kong paa nang hawakan niya ang mga ito. "What are you doing?" takang tanong ko sa kaniya. Siya lagi ang nagu-umpisa! Ayoko na ng away! "Ang sungit mo, matulog ka nalang." sabi niya at isinandal niya ang kaniyang ulo sa couch at ipinikit ang mga mata niya. "Tsk," sabi ko at muling humiga at ipinikit ko na rin ang mga mata ko. Nagising ako dahil sa linawag, unti-unti ko namang binuksan ang mga mata ko at kinusot ito. Napaunat pa ako ng dalawang kamay. Napatingin ako sa paligid at doon ko lang naalala na nasa bahay pala ako ng hinayupak na 'yon. Ang kaso wala na siya rito. May tao ba rito? Ang tahimik. Tumayo ako at tinupi ang ginamit kong kumot. Naglakad ako at hinanap ang Dinning area nila dahil gusto kong magmumog. May may makita akong isang tao na nasa kusina ay agad akong pumunta roon. Pero napatigil ako sa paglakad nang makita kong may mga kumakain sa Dinning Area. Napatingin sila sa akin kasama na 'yung hinayupak. Bakit hindi niya ako ginising? "I'm sorry po," paumanhin ko at aalis na sana nang magsalita ang isang lalaki na nasa mid-fourties na. "Come, join us," sabi niya at sinunod ko naman ito. Tumayo si hinayupak at pinaghila ako ng upuan sa tabi niya. Napatingin naman ako sa babae na nasa mid-thirties naman. Feeling ko lang. Habang nilalagyan ni hinayupak ang plato ko ng kanin ay mahina akong nagsalita na siya lang ang makakarinig. "Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako. Pagkatapos niyang lagyan ang plato ko ay nagsalita ang babae. "Klerk, hindi mo nasabi sa amin na may girlfriend ka na pala," mahinahong sabi ng Babae. Nanlaki ang mga mata ko at sasagot na sana nang inunahan ako ni hinayupak. "I'm sorry, Mom. It's a surprise," sabi niya at napatingin ako sa kaniya. Pero ang tingin niya ay nasa kaniyang magulang. "She's—" napatingin siya sa akin at tila naghihintay na ituloy ko ang sasabihin niya. Huli ka ngayon! Napatingin ako sa magulang niya na naghihintay ng sasabihin niya. "I'm Claire po," sabi ko. Kung hindi lang talaga sa mga magulang niya ay hindi ako magsasalita. "Hindi sa galit ako, ha. Pero anong ginagawa mo rito? Hindi magandang tingnan para sa babae ang nakikitulog sa bahay ng lalaki, even if you two have a relationship," sabi ng Mom niya. Ano bang sasabihin ko? Hindi ko naman ginusto 'to at wala akong relasyon sa hinayupak 'to. Gusto ko sanang sabihin ang mga 'yon ngunit nagsalita si hinayupak. "Mom, there is a reason." "And what's the reason?" nararamdaman ko na talaga sa tono ng pananalita ng Mom niya ay parang galit siya. Kasalanan ng hinayupak ang lahat ng ito! "Hey, Hon. We're eating stop the arguing. At saka 'di ba ito ang gusto mo? Ang magkaroon na ng girlfriend itong unico hijo mo." Natatawang sabi ng Dad niya. "I'm sorry, Clare," sabi ng Mom niya at nakita kong ngumiti siya. "Its okay po," sabi ko at ginalawa na ang pagkain ko. I felt relieved ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD