"Job well done! Natapos mo rin," masayang sabi ko sa kaniya nang natapos na niya ang presentation niya. Pagkatapos no'n ay natapos na rin ang klase namin.
"Yesss! At dahil diyan, I will treat you. Saan mo gusto?" tanong niya sa akin.
"Sa Baguio!" sabi ko.
Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Ang layo. I'll change the question. Ano ang gusto mo?"
"Milktea, fries, burger, and spaghetti!"
"Hindi ka naman gutom, no?" Natawa ako sa sinabi niya.
"Treat mo, 'di ba?" nakataas ang isang kilay na sabi ko sa kaniya.
"Fine. Let's go," sabi niya at naglakad na kami palabas ng school.
Nasa labas na kami ng school at parehas na naghihintay yung service namin.
"Paalam muna tayo," sabi niya at agad na pinuntahan ang service niya, ako naman ay nagtext na lang.
"Tara, magko-commute nalang tayo," sabi niya sa akin at napatingin ako sa kaniya.
"What? is that?"
"Hindi mo alam 'yon? Sasakay tayo ng pampublikong sasakyan."
"Oh, Okay."
Pumara siya ng isang jeepney dahil mahaba ito. Nang sumakay siya ay sumunod lang ako sa kaniya.
"Masikip pala rito," mahinang sabi ko sa kaniya dahil baka marinig ako ng mga nakasakay.
"Hindi ka lang sanay," sabi niya sa akin at nagbayad ng pamasahe.
"Bakit ikaw, sanay ka ba?"
"Nasanay lang, paminsan-minsan kasi sumasakay ako rito," aniya at tiningnan ko lang siya.
Seriously? Thats amazing! Sana ako rin, parang ang saya lang sumakay dito dahil marami kayo.
"'Wag ka ngang ngumiti, iniisip mo siguro na masayang sumakay dito 'no?" nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Napailing lang siya sa akin.
Binalewala ko nalang ang sinabi niya at tumingin nalang sa dinadaanan namin.
Nang tumigil ang Jeep ay bumaba na kami.
"Nasaan tayo?" tanong ko sa kaniya.
"Nasa Pilipinas," pamimilosopo niya sa akin. "Hindi ka naman mabiro, nasa Mall," sabi niya at tiningnan ko ang paligid at nakita ko nga ang Mall.
Great! Bakit hindi ko agad nakita?
Naglakad na kami at pumasok na sa Mall pero napatigil ako sa paglakad nang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Mama.
"Hey, wait. Tumatawag si Mama," sabi ko sa kaniya at lumapit siya sa akin dahil nauna siyang naglakad.
Sinagot ko na ang tawag. "Hello, Ma," sabi ko.
"Hello, Che? Where are you?"
"Nasa Mall po, kasama ko si Mateo."
"Pwede bang umuwi ka muna? May bisita kasi tayo."
"Okay, sige po, Ma," sabi ko at pinatay na ang tawag.
Humarap ako kay Mateo. "I need to go home, bilhan mo nalang ako," sabi ko sa kaniya.
"Okay, ingat ka," sabi niya at tumalikod na.
Wait? Paano ako makakauwi? Maybe I'll call our driver to pick me up here.
Nagmadali akong naglakad para pumunta sa gilid ng daan. Tinawagan ko na rin yung driver namin pero cannot be reach siya.
Sumuko na ako sa kakatawag sa kaniya at naoagdesisyunan ko nalang na pumara ng sasakyan kahit hindi ko alam kung ano ang sasakyan ko.
Nang may makita akong yellow na sasakyan ay ipinara ko ito. Taxi 'to 'di ba?
Tumigil naman siya sa harap ko kaya agad akong sumakay sa backseat ng sasakyan.
"Sa Crossroad Machiato Village po," sabi ko at tinitingnan ang driver pero parang hindi yata siya matanda?
"You got a wrong car," Nanlaki ang dalawa kong mata nang marinig ko ang boses na 'yon.
"Are you stupid? Huminto ka sa harapan ko kaya akala ko ay Taxi ito!" sigaw ko sa kaniya.
"Tsk, iba ka rin 'no? Sasakay ka pala kung kani-kanino."
Napairap ako sa sinabi niya. "So, ano? Anong balak mo sa 'kin?"
Biglang siyang natawa at tiningnan niya ako sa rear view mirror nitong sasakyan. Masama ko siyang tiningnan.
"Balak? I'm not cheap. May taste rin ako pagdating sa babae," pang-aasar niya sa akin.
"Hindi ka nag-iisip. Bakit ka pa nagda-drive riyan? Itigil mo na 'tong sasakyan," mataray na sabi ko sa kaniya.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" tanong niya sa akin at napatingin ako sa bintana nitong sasakyan.
Hindi ko alam kung nasaan kami. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Tumatawag ulit si Mama.
"Hello po, Ma. Bakit po?"
"Nasaan ka na?"
"Pauwi na po."
"Okay, ingat ka."
"Sige po," at pinatay ko na ang tawag.
Tiningnan kong muli siya. "Pwede mo ba akong ihatid sa bahay?" tanong ko sa kaniya.
"Ang lakas mong magrequest pagkatapos mo akong sigawan." Napairap ako sa sinabi niya.
Ano na ang gagawin ko? Ayokong magsorry sa hinayupak na ito dahil dapat siya yung nagso-sorry dahil sa ginawa niya sa akin no'ng isang araw.
"Okay, fine. Stop the car," sabi ko sa kaniya.
"Alright," sabi niya at inihinto naman ang sasakyan.
Agad naman akong bumaba at malakas na isinara ang sasakyan.
"Bye!" sabi pa niya at pinaharurot ang sasakyan niya.
Napatingin ako sa paligid ko. Nasaan na ba ako? Hindi ko alam kung maglalakad ba ako o kung mananatili nalang dito.
Tinawagan ko si Mateo pero pagkasagot niya ay namatay ang phone ko, lowbat na pala ako.
Napatingin ako sa langit dahil biglang kumilim-lim. Ano? Uulan pa? Bakit nangyayari sa akin 'to? E, hindi naman ako ang may kasalanan tapos parang ako itong pinaparusahan.
Nang magsimulang umulan ay agad akong tumakbo papunta sa isang puno para lang makasilong kahit papaano.
Niyakap ko na rin ang sarili ko dahil sa lamig. Napapaiyak na ako dahil pakiramdaman ko ay walang tutulong sa akin.
Wala naman kasing katao-tao rito dahil umuulan nga. Nababasa na rin ang buhok ko at ang damit ko. Napaupo ako at napaiyak.
Stop crying! Self, please! Pilit kong itinatatak sa isip ko ang mga salitang 'yon.
"You dissappoint me, akala ko pa naman matapang ka talaga." Hindi ko siya tiningnan at nanatili lang ako sa pwesto ko.
"A-Anong ginagawa mo rito?" nanginginig na sabi ko.
Nagbigla ako nang isuot niya sa akin ang isang jacket at pinatayo. Yakap ko pa rin ang sarili ko.
"Iuuwi na kita," sabi niya at unti-unti akong humarap sa kaniya.
Seryoso ang kaniyang mukha at kahit may dala siyang payong ay basa na rin ang kaniyang damit.
"T-Thank you," nanghihinang sabi ko at bigla nalang ako napaupo.
Nanginginig ang mga tuhod ko.
"We don't have any choice, I need to do this," sabi niya at ibinaba ang payong niya.
Bigla niya akong binuhat at dahil wala na akong lakas ay hindi na ako nakapagsalita pa.
This is unexpected to me. Knowing that there is a person who have a little care for me.
It makes me special even in this kind of situation.
***