Chapter 1

1304 Words
Naglalakad kami ngayon ni Mateo sa hallway ng department namin. Galing kami sa Library at pabalik na kami sa room namin. "Tapos mo na ba yung powerpoint presentation mo?" tanong ko sa kanya. May dala akong dalawang makapal na libro na may kinalaman sa course namin. Kailangan kasi namin ng reference, siguradong makakatulong ito sa amin. Minsan kasi hindi na nagpapalecture yung prof namin. "Hindi pa, tulungan mo 'ko mamaya. Tutal tapos ka na naman at kung hindi matatapos ay sa bahay ko nalang itutuloy," sabi niya at tumango-tango ako. "Buti nalang ako tapos na," sabi ko. "Yeah, sana all," sabi niya at sabay kaming natawa. Biglang may malakas na sumagi sa braso ko dahilan para mahulog ang dala kong mga libro. Tiningnan ko sila, tatlo silang lalaki at hindi sila familiar sa akin. Sigurado akong hindi sila Med Student. "Hoy! Tingnan mo ang ginawa mo!" turo ko sa dalawang makapal na librong nahulog sa lapag ng hallway at ngayon ay kinuha ni Mateo ang mga iyon. "Hindi ka ba marunong mag-adjust? Hindi po malaki ang hallway! Tatlo kayo tapos sabay pa kayo kung maglakad, bakit hindi ka muna pumunta sa likuran ng isa para naman hindi muna ako masagi 'di ba?" mahabang sabi ko sa kaniya. Ang lahat ng estudyante ay nakatingin na sa amin. Pero hindi ko hahayaan na ganon-ganon na lang. Ang dalawa niyang kasama ay kung saan-saan nakatingin samantalang itong nakabangga sa akin ay tinititigan lang ako na parang naghihintay kung meron pa akong sasabihin. "'Yun lang ba, Miss?" walang kabuhay-buhay na sabi niya. "Ang daming satsat," sabi pa niya at tinalikuran ako. "Huwag mo akong tatalikuran!" sabi ko at hinawakan ang braso niya para iharap siya. "Napakabastos mo! Sino ka ba ha? Kung umasta ka parang sayo 'tong hallway na ito ha!" Bigla akong inilayo ni Mateo roon at iniwan ang lalaking 'yon. Hindi pa kami tapos! "Ano ba? Nakita mo ba yung lalaking 'yun? Hindi man lang nagsorry," sabi ko nang makapasok na kami sa loob ng room namin. "Cheeyah! Alam mo ba kung sino 'yon? Gumawa ka ng mas malaking gulo," sabi niya sa akin at inilapag sa desk ko ang mga libro. "Bakit? At anong gulo?" naguguluhan kong sabi. "Siya si Bryan Klerk, majority shareholder yung parents niya rito sa school," sabi niya at napataas lang ang kilay ko. "So? Hayaan mo siya. Ganoon din naman ang parents ko 'di ba?" sabi ko at nanlaki ang mga mata niya. Okay. I knew it. Hindi niya alam. Ayoko kasing may nakakaalam at hindi naman kailangan ipaalam pa. No need for attention. "Are you serious? or you're just joking?" hindi pa rin makapaniwalng tanong niya. "Oo nga pero ang alam ko shareholder lang ang mga magulang ko at hindi majority," sabi ko nang medyo mahina. Ilang minuto siyang hindi nagsasalita at tila pinoproseso pa ang nalaman niya. "Okay, basta 'wag munang aawayin yun o kaya 'wag mo nalang papatulan," biglang sabi niya. "Ha? Inaway ko lang siya dahil nasagi niya ako at hindi man lang siya nagsorry. Anyway, 'wag kang matakot doon." Tumawa ako at hinampas siya sa braso. Parang hindi lalaki 'to! Pero hindi ko naman siya masisisi dahil iba nga ang nagagawa mg pera. "Baka kasi iba ang gawin niya sayo." seryoso pa rin siya. "Hindi mo ba alam? He's certified playboy! Sinisira niya ang magandang imahe ng mga lalaki!" sabi niya at parang nakikipag-away na siya. "Ano ka ba! Chill ka lang. Hayaan nalang natin siya. Uso pa pala yung playboy?" sabi ko sa kaniya at natawa kami. "College student na tayo kaya kailangan na nating maging seryoso at mas maging matured pa. Kung sa tingin niya ay isa siyang playboy, hayaan mo siya. Isip bata pa siya kung ganon." Nagtawanan lang kami sa sinabi ko. Kasi naman may-Playboy pa pala rito. Akala ko sa highschool lang may ganon kasi naman kapag college ka na lagi ka ng seryoso sa pag-aaral tapos may Playboy pa? Ang yaman niya kasi kaya gumaganon. Hindi sana maubos ang pera nila. Napaayos kami ng upo nang dumating na ang aming Prof... Pagkatapos ng mga subjects namin ay nagpatulong sa akin si Mateo na gawin yung powerpoint presentation niya. Pinili niyang sa library nalang gumawa dahil tahimik daw doon. We just have an hour to do his powerpoint, pwede naman niyang gawin sa bahay kapag hindi natapos. Kaya niya ginagawa rito dahil para kung may i-sa-suggest daw ako ay makakatulong daw 'yon. Nasa loob na kami ng library at pinili namin ang pinakadulo. Pagkaupo namin ay binuksan na niya agad ang laptop niya. Buti nalang at dala niya. "May kailangan ka bang reference? Like book?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko naman dala ang laptop ko. "Ah, yeah," aniya habang nakatutok sa laptop niya. "Okay, kukuha ako ng book," sabi ko at tumayo na. Alam ko naman kung anong book ang kailangan niya ang topic niya kasi ay about sa Eye surgery. He will just discuss that to us. Habang naghahanap ng book tungkol doon ay may biglang nagtakip ng mga mata ko. Agad akong napahawak sa kamay nung kung sino man ang tumakip sa mga mata ko. Nang sa wakas ay natanggal ko ito ay agad kong tiningnan kung sino ito at tingnan mo nga naman. Siya yung kanina! Masama ko siyang tiningnan pero nagkunwari pa siyang may tinitingnan sa mga libro kahit huling-huli ko na siya. Ayokong mag-ingay dito sa loob ng library dahil baka mapalabas ako. "Tsk, Walang magawa sa buhay," mahinang sabi ko at umalis na roon. Pumunta ako sa kabilang shelf ng mga book. Nang makahanap ako ay agad ko itong kinuha. Kakaunti nalang kasi ang mga book na related sa Med. dahil na rin siguro hindi pa tapos yung iba sa presentation nila gaya ni Mateo. Babalik na sana ako sa upuan namin nang may bumangga sa akin dahilan para mabitawan ko ang libro. Kinuha ko muna ang libro at tiningnan kung sino ang bumangga sa akin. Siya na naman! "Ano bang gusto mo?" mahina pa rin ang boses na tanong ko sa kaniya. Kanina pa siya! Bahagya siyang lumapit sa akin pero hindi ako natinag. "I want you to pay," bulong niya sa akin. Natawa ako sa sinabi niya. "Namumulubi ka na yata?" tanong ko sa kaniya at tumawa. Nakita kong naging blanko ang ekspresyon niya. Tumigil naman ako sa pagtawa. "What do you want?" seryosong tanong ko. "Kiss me." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at bigla ko siyang nasampal. "p*****t!" sabi ko at itinulak siya. Mabilis akong naglakad papunta sa upuan namin. Inilapag ko ang libro sa table at umupo. "Thanks," sabi niya habang nakatingin pa rin sa laptop niya. Hindi ko siya sinagot dahil bad trip ako ngayon. First time sa buong buhay ko na may magsalita sa akin ng ganon. Napakabastos niyang lalaki! "Hey, what happen? Pumapanget ka na naman." aniya at tumawa. Nakatingin na pala siya sa akin. Kinwento ko naman lahat sa kaniya ang mga nangyari. "I told you! Hindi ka titigilan non, lalo na't parang napahiya siya sa ginawa mo sa kaniya. Sigurado akong may binabalak 'yon." sabi niya sa akin. "Hindi ko siya uurungan. Siya ang may kasalanan sa una palang." sabi ko. "Be ready then." Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "I'm ready! Gusto mong masapak sa akin? Pinapakaba mo ako, babae pa rin ako. Kaya naman ipaglaban mo ako," sabi ko at nakita kong napaayos siya sa kaniyang suot na salamin. "Ha?" aniya at natawa ako sa reaksiyon niya. He's still a coward. Pero hindi ko pa rin siya ipagpapalit dahil siya lang yung naging kaibigan ko mula no'ng first year college. Wala e, halos lahat ata ng mga nag-aaral rito ay magkakaibigan na at sabay na pumasok rito. At parang kami lang ni Mateo ang walang kaibigan dito, kaya siguro kami nalang din ang naging magkaibigan. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD