"Sayang yung ibang chocolates doon sa sasakyan," sabi ko sa kan'ya at itinapon sa nakita kong basurahan ang balat nung kinain kong dark chocolate. "Sasabihin ko na lang kay Manang na ilagay sa refrigerator kapag tumigas ibibigay ko ulit sayo," aniya at bigla akong inakbayan. Papasok na sana kami sa loob ng bahay niya nang humarap ako sa kan'ya at itinaggal ang pagkaka-akbay niya sa akin. "Thank you, My Sunset." sabi ko at niyakap siya. Naramdam ko ang pagkabigla niya kaya naman hindi niya ako nagawang yakapin pabalik. "Who is she?" Tinaggal ko ang pagkakayakap ko sa kan'ya at tiningnan ang nagsalita. Siya yung kasama ni Bryan sa Mall no'ng nakaraan. Nakataas ang isang kilay nito na tila nanghahamon. Walang emosyon ko lang siyang tiningnan. "She's my girlfriend, Leslie." At hinawaka

