Habang papasok ako sa loob ng classroom namin ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Can't wait to say the good news for Mateo. Hindi pa man ako nakakapasok nang salubingin ako ng President namin sa room. "Claire, pinapatanong ni Mrs. Librarian yung libro raw na hiniram mo sa library. Kailan mo raw ibabalik?" sabi sa akin ni Mr. President. Anong libro? Kailan ako nanghiram? Napakunot ang noo ko habang iniisip kung kailan at ano ang hiniram kong libro. "I think, yung sa P. E ba 'yun? Konti lang kasi ang mayroon sa atin no'n," sabi ni Mr. President. Napansin niya siguro na nakalimutan ko. Dahil sa sinabi niya ay naalala ko na. Ang alam ko ay naiwan ko yata ito sa ICT room? Kung hindi ako nagkakamali. "Okay, sige. Thanks." Nilagpasan ko na siya at naglakad papunta sa ICT room. Hab

