[B]urning Teaser

647 Words
[B]urning Teaser   Paano ko malalaman ang lahat ng tungkol sa kaniya kung iiwasan niya ako? Gusto ko siyang makita, makausap, maliwanagan. Kaya nag-antay ako ng pagkakataon. Nag-antay ako sa kaniya at hindi ako nabigo; Sa isang gabi na may buong-buong hugis bilugan at napakalaking buwan na nagbibigay liwanag sa madilim na kalangitan, sa isang pribadong olympic-sized pool na kaniyang pag-aari. Noong una'y nakaramdam ako ng kakaibang uri ng kaba, takot. Pero naglakas loob akong lumabas sa aking pinagkakakublihan. At nang masilayan niya ako ay kaagad naman niyang inahon ang kaniyang perpektong basang katawan at dahan-dahang humakbang papalapit sa akin. Naiiwan ang mga basang marka ng kaniyang yapak sa kanyang dinaraanan kasabay nang pagpatak ng tubig na dala ng kaniyang basang katawan. Lumapit siya at kaagad niyang hinaplos ang aking kaliwang pisngi. Tila, tumigil ang oras ng aking mundo ngunit patuloy ang mabilisan pagtibok ng aking puso. Damang-dama ko ang bawat pagkabog nito sa aking dibdib. Pinagtagpo namin ang aming mga mata. Tila nag-uusap ngunit walang salita. Nagkakaunawaan at nag-aantay na kumilos ang aming mga---nag-iinit na katawan. Saglit pa'y, sinunggaban niya ng halik ang aking mga labi at kaagad niya rin pinasok ang kaniyang madulas at basang dila sa loob ng aking bibig. Halos manlaki ang aking mga mata sa kaniyang ginawa---sa sitwasyon na kinatatayuan ko ng mga sandaling iyon. Dahan-dahan akong nahuhulog sa sitwasyon kaya nagparaya na ako. Sinubukan kong humalik, ngunit kaagad niyang kinagat ang aking labi. Mahigpitan niyang kinapitan ang aking kanang balakang at mas pinagdikit ang aming mga katawan. Nabasa ng katawan niya ang aking suot na puting polo. Dahan-dahang pinaghiwalay niya ang aming mga labi. Nakakabitin. At hindi ko iyon maitatanggi. Lalo pa't ang mga labi niya ang kauna-unahang nakatikim sa aking mga labi... At ang dila niya ang kauna-unahang nangahas na magpatikim sa akin ng mainit na laway. Masarap. Nakakadala. Erotiko. Nakita ko na lang ang sarili ko na nangungulila na muling matikman ko ang kaniyang mga labi. Malasap ko sa sarap ng kaniyang laway na dala ng kaniyang dila. “Mico, bakit ka pa nagpunta rito?” Tanong niya. Langhap na langhap ko ang init na binuga ng kaniyang hininga. Nakaka-adik. Gusto kong langhapin ang bawat hangin na kanyang ibubuga. Nakatingin siya sa aking mga mata. Nag-aantay ng kasagutan. “Dahil gusto kitang makita. Iniiwasan mo ako.” Maamong pagkakasagot ko sa kaniya. “Bakit mo ako gustong makita?” Tanong niya. Pinahahabol niya ang labi niya---pinatatakam ako. “Dahil kailangan---” Sagot ko at muli niya akong hinalikan. Panandalian. “Iyon ba ang dahilan o may iba pa Mico?” Tanong niya. Malalim, may pinaghuhugutan, may gustong iparating. “Hindi ko alam kung ano pang dahilan ng pagpunta ko rito. Something inside me, tells me, to find you, to talk you ang to be with you." Mahinahon kong pagkakasagot. “Pero hindi mo ako kilala at hindi mo gugustuhing makilala ang tunay na ako. Sinusubukan kong iwasan ka dahil ayaw kong maging parte ka ng madilim kong pagkatao. Hindi mo gugustuhin makilala... Makita ang tunay na ako.” Tugon niya. At muli niyang kinagat ang lower lip ko. Matagal, masakit. At pakiramdam ko, sinadya niyang masugatan. Nalasahan ko ang sariling dugo ko mula sa makipot na bukas na sugat na sanhi ng pagkakakagat niya. “Sinusubukan iwasan ako? Don't. Instead, try me, Grevan Salvatore.” “Sigurado ka?” Tanong niya, at nagsisimula na siyang ibuga ang hininga niya sa bunganga niya--sinasdya niyang malanghap ko ito. Tumango ako. “Sabihin mo, gusto kong marinig ang mga salitang oo mula riyan sa maliit na bibig mo.” “Oo. Sigurado ako.” Sagot ko. Bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit at naramdaman kong humalik siya sa noo ko. Puma-akap ako sa kaniya. “Hindi kita bibiglain, ayaw ko na matakot ka sa akin, Mico.” Bulong niya. Sa mga sandaling iyon. Inihanda ko na ang sarili ko sa kung anong uri ng tao ang makilalala ko. ••• Characters ••• Mico Del Rosario, 18, A Ghostwriter Grevan Salvatore, 32, A Satyromaniac Deborah Salvaje, 24, A Nymphomaniac Sebastian Del Mundo, 27 A Sexist Gentleman James Natividad, 19, A Gigolo Jakeson Salas, 23, A Bipolar Friend ••• Burning Candle: Book 1 © MMXX •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD