WARNING! MATURE CONTENT! RATED SPG! 18+ KUNG SENSITIVE KA SA GANITONG EKSENA, YOU BETTER SKIP THIS CHAPTER. Chapter 15 *Abby* Mahigpit ang kapit ni Jason sa manibela. Salubong ang kilay at umiigting ang panga. Mas natatakot ako sa awra niya kaysa sa paglapit nila Harold kanina sa kaniya. “Ano bang sinabi nila?” Banayad kong tanong. Nilingon niya ako pero galit ang mukhang nakikita ko sa kaniya. Napalunok na lang ako. Mas humigpit ang kapit niya sa manibela kaya lumabas ang ilang ugat sa kamay niya. “You’re not a toy!” Naiinis niyang bulalas habang nakatitig sa daan. Natahimik ako pero gusto ko pa rin magtanong. Alam kong may kinakagalit siya. “Sinabi nila ‘yon?” banayad ko pa ring tanong. Pinipilit kong maging kalmado para makausap ko siya ng maayos. Hininto niya ang sasakyan sa

