Chapter 14 *Abby* Dahil kulang ako sa tulog kagabi ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa sasakyan ni Jason. Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa grupo ni Mark na nakita ko sa hindi kalayuan sa bahay namin. Nagising ako nang may maramdamang humahaplos sa pisngi ko. Minulat ko ang mga mata at nakita ko si Jason na nakangiting nakatitig sa akin. Umayos agad ako ng upo. May laway pa yata ako? Baka nakanganga pa akong natutulog? Napapikit ako ng mariin nang ma-imagine ang itsura kong gano’n tapos ay pinapanood ako ni Jason. Nahiya ako bigla. “S-Sorry, nakatulog ako,” wika ko. Tumawa naman siya ng mahina. “Nandito na tayo,” saad niya. Napansin kong naalis na ang seatbelt na suot ko. Bumaba siya sa sasakyan at pinagbuksan ako. Tahimik akong bumaba doon at pasimpleng inayos ang buhok

