Chapter 12 *Abby* Sabay kaming tumungo ni Jason sa kusina nang matapos na magluto si Nanay ng tanghalian. Kung hindi pa kami tatawagin ni Nanay ay hindi bibitaw sa pagkakayakap si Jason sa’kin. Nakalatag sa lamesa ang ginisang monggo at pritong galunggong. Naabutan pa namin si Nanay na naghahain. Maliit lang ang kusina namin at sakto lang sa aming tatlo nina Tatay at Nanay. Pero nang pumasok dito si Jason ay parang mas lalong lumiit. Sa laki at tangkad ba naman niya. Nakakahiya dahil ang kusina sa bahay nila ay buong bahay na yata namin. “Pasensiya ka na ha? Maliit lang ‘tong kusina namin. Sige maupo ka,” wika ko. Hindi naman siya nagsalita at umupo na lang sa plastic na upuan. Nakatitig pa siya sa ulam na monggo na nasa lamesa. Maliit lang din ang lamesa namin. Hugis bilog at may nak

