Chapter 11 *Abby* Halos mabingi ako sa lakas na sampal na ginawa ni Mark sa akin. Kahit kailan, hindi niya ito ginawa sa akin. Ngayon lang. Namanhid ang pisngi ko dahil sa ginawa niya at malakas na tumabingi ang mukha ko. Agad na napatayo si Jason at hinila ako. Nilagay niya ako sa likod niya at hinarang ang katawan niya na parang pinoprotektahan ako. Napahawak ako sa pisngi kong sinampal ni Mark. Mangha ko siyang nilingon at galit na galit siya. “Sinasabi ko na nga bang may lalaki ka!” Galit niyang sigaw. Pati si Nanay ay lumabas sa kusina. “Mark!” malakas na sigaw ni Nanay nang makita niyang sinuntok siya ng malakas ni Jason. Agad napahiga si Mark sa sahig. Agad na pinaibabawan ni Jason. Nasa mukha niya ang panggigigil at galit. Inilang suntok niya si Mark at ako naman ay hindi mak

