Chapter 22 *Abby* Nagsimulang tumugtog ang musika. Ang lahat ng tao dito sa simbahan ay nag-aabang. Nariyan na siguro ang bride. Unti-unting bumukas ang dalawang malaking pinto ng simbahan. Hinanda ko ang cell phone para makakuha ng ilang litrato ni Vanessa. Nang makita siya ay parang bigla akong napaluha. Hindi ko halos ma-click ang pag-capture ng litrato. Hindi ko alam kung maayos ba ang mga nakuha ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakikita mong ikakasal na ang matalik mong kaibigan. Sobrang saya ko para sa kaniya. Ang ganda-ganda niya sa suot na gown. Para siyang diwata na naglalakad. Sinulyapan ko ang asawa niyang si Rafael, natulala na. Nagsimula ang ceremony ng kasal pero ako ay kabadong-kabado. Lalo na at pasulyap-sulyap sa akin si Jason. Kada magpapalitan ng ‘I do’ sina Esa

