Chapter 23 *Abby* Nasa Philippine airport na kami nang may biglang lumapit na babae. Naka-high heels at nakasuot ng shades. May suot siyang mahabang hikaw na kumikinang. Mukha siyang modelo dahil sa mahahaba at makinis niyang hita. Ang buhok niyang tila kusang nililipad ng hangin kahit hindi naman. Kusang nagba-bounce ang mahaba at nakakulot sa dulong kulay brown na buhok niya. Nakasuot siya puting tube dress na hanggang taas ng tuhod. Nakasilip ng kaonti ang dibdib niya na siyang nagiging kaakit-akit sa mga mata ng ilang kalalakihan. Hapit na hapit sa balingkinitan niyang katawan. Napaawang na lang ang labi ko nang masilayan siya. Lalo na nang alisin niya ang suot na shades at nilagay sa ibabaw ng ulo niya. Kulay asul pa ang kulay ng mga mata niya. Ang kaniyang medyo makapal na labi n

