Chapter 24 *Abby* Nang makabalik ako sa table namin ay siya namang sunod ni Samantha. Hindi na maipinta ang mukha niya kahit kagagaling niya lang sa retouch. Talaga ngang nainis siya sa mga sinabi ko. Si Jason ay tapos nang kumain. Hinintay niya lang akong matapos sa banyo para makauwi na kami. Ewan ko dito kay Samantha kung ano ang plano niya. “Pwede bang sumabay sa inyo pauwi?” Tanong niya habang nakangiti kay Jason. Heto na naman siya. Wala ba siyang sundo at kailangan pa niyang sumabay sa amin pauwi? Mukha naman siyang mayaman kaya siguradong may sarili siyang driver. “Wala ka bang sundo?” Tanong ni Jason. Lihim akong napangisi dahil doon. Halatado kasi si Tiyanak. Pumaparaan pa ‘e. Gusto pa talagang sumabay sa amin pauwi. Bakit, titira rin ba siya sa bahay? Napailing na lang

