Chapter 2
*Abby*
“I’m Mark’s girlfriend,” wika nang babae sa kabilang linya.
Para akong sinampal ng malakas at agad nag-init ang dulo ng mga mata. Nagbabadyang bumagsak ang luha na pilit kong pinipigilan. Pilit kong pinapatatag ang kalooban ko. Gusto kong magalit sa kausap ko ngayon, gusto kong magtanong pero tila nawalan ako ng boses at hindi makapagsalita.
“Hello? Andyan ka pa ba? May I know your name? Hindi kasi naka-save ang number mo sa phone ni Mark,” wika nang babae.
Nanatili akong tahimik. Nanginginig ang labi ko dahil sa bigat ng nararamdaman. Naninikip ang dibdib ko at pati lalamunan dahil sa pagpigil na humikbi.
“Who’s that babe?” isang pamilyar na boses ng isang lalaki sa kabilang linya.
Si Mark ‘yon! Mabilis kong binaba ang tawag. Napayakap na lang ako sa cell phone ko at tahimik na umiyak. Doon ko napakawalan ang luhang kanina pa gustong bumagsak.
Hindi ko na siya kailangang tanungin dahil nakumpirma ko na. Hindi naman niya tatawaging ‘babe’ ‘yon kung hindi niya girlfriend. Eh ako, ano ako sa kaniya? Girlfriend niya rin naman ako pero never niya akong tinawag na ‘babe’ o kahit na ano.
Parang sinasaksak ang puso ko ng punyal sa sobrang kirot at hapdi. Patuloy sa pagbagsak ang luha ko at ang puso ko ay parang dinudurog. Ang sakit pala maloko.
Saan ako nagkulang? Kulang pa ba lahat ng ginagawa ko para sa kaniya? Kulang pa ba ang pagmamahal na araw-araw kong inaalay sa kaniya?
Muling bumuhos ang luha ko, hindi ko na napigilan ang sariling humagulgol. Ang sakit sakit! Hindi ko kayang tanggapin na ang una kong pag-ibig ay ganito ang aking sasapitin.
Nagmahal lang naman ako pero ito ang napala ko. Minahal ko lang naman siya pero ito ang natanggap ko. Deserve ko ba ‘to? Deserve ko bang masaktan? Deserve ko bang maloko? Lalong dumadami ang katanungan sa isip ko na mas lalong nagpapabigat ng kalooban ko.
Umiiyak akong tumayo at tumungo sa aparador ko. Kinuha ko ang malaking box na nakatago doon. Ang box na kung saan naroon lahat ang mga binigay ni Mark sa’kin mula no’ng naging kami.
Aaminin kong hindi niya ako niligawan dahil ultimate crush ko siya. No’ng sinabi niya sa’kin na type niya ako ay walang alinlangan akong nagtapat ng nararamdaman. Nakakahiya pero iyon na ang pinakamagandang araw para sa’kin. Wala pang isang oras ay naging kami na. Kinabukasan din ay agad ko siyang pinakilala kina Nanay at Tatay. Sempre nagulat sila kaya nangako akong hindi pababayaan ang grades ko sa eskwela kaya pumayag sina Tatay.
Pero mula nang maging kami ni Mark ay hindi ako nakakapag-focus sa eskwela. Palagi lang akong pinapakopya at tinutulungan ni Vanessa kaya nakakapasa ako. Kaya ngayong nag-asawa na si Vanessa ay kailangan ko na talagang mag-aral maigi at hindi na aasa sa pangongopya. Mag-aaral pa naman si Vanessa kahit may asawa na pero sa bahay na lang nila dahil buntis na siya ngayon.
Papaano ako mag-aaral kung ganitong wasak na wasak ako ngayon. Makakabalik pa ba ako sa dati? Sa dating ako noong hindi ko pa naging nobyo si Mark? Sa dating ako na nakukuntento lang na siya ang ultimate crush ko.
Umupo ako sa kama at binuksan ang kahon. Agad lumandas ang luha ko nang makita ang mga laman ng box. Una kong kinuha ang sumbrero ni Mark na naiwan niya sa classroom nila. Niyakap ko ‘yon at inamoy. Bigla ko siyang na-miss kaya mas lalong tumulo ang luha ko. Ganitong-ganito ang amoy ng buhok niya at pabango. Nandito pa rin sa sumbrero kahit mahigit isang taon nang nakatago.
Ang mga ala-ala noong araw na ‘yon ay sariwa pa sa isipan ko. Second year high school na siya at ako noon ay freshmen pa lang. Birthday niya noon kaya naisipan kong puntahan siya sa classroom nila para bigyan siya ng binili kong cake. One week ako’ng hindi nag-recess para lang makapag-ipon ng pera para may surprise ako kay Mark sa birthday niya. Binili ko ng mini cake ang isang linggo kong allowance. Naglalakad akong umuuwi dahil sayang din ang pamasahe. Dagdag din ‘yon sa iniipon kong pangbili ng cake. Hindi naman kasi kalakihan ang allowance ko.
Tricycle driver si Tatay at walang trabaho si Nanay. Doon lang kami umaasa ng panggastos sa araw-araw. Kaya naman hindi ako naghahangad ng malaking allowance araw-araw. Na kung minsan ay walang maiabot si Nanay sa akin dahil matumal ang byahe at maraming gastusin.
Inayos ko ang uniform at nagsuklay ng buhok, kahit na ayos na ayos na kanina pa. Kabadong-kabado ako sa gagawin kong sorpresa sa kaniya. Eh... magbibigay lang naman ako ng cake at babatiin siya. Pero para sa’kin hindi lang ito basta cake, pinag-ipunan ko ‘to at parang isang karangalan para sa’kin na mabigyan siya. Napakalaking bagay na sa’kin ‘yon, hindi naman ako umaasa ng kahit na ano. Gusto ko lang gawin ‘to, dahil aaminin ko hindi lang crush ang pagtingin ko sa kaniya. Mahal ko na si Mark.
Muling lumandas ang luha ko nang maalala ang araw na ‘yon. Sobrang espesyal para sa’kin at hindi ko basta-basta makakalimutan. Mas lalo akong mahihirapang mag-move on kapag ganito. Napakasakit!
Inamoy ko pa noon ang blouse ko kung sakto lang ba ang pabango ko. Huminga-hinga ako ng malalim para pakalmahin ang kanina pang dumadagundong kong dibdib. Nilingon ko ulit ang cake na dala at humigop ng hangin at marahas itong binuga. Sobrang kinakabahan ako kaya pinagpapawisan ako at nawawalan ng saysay ang pulbo sa mukha ko.
Tumikhim ako at kinakabahang sumilip sa classroom nila. Nakita kong nakaklase pa sila kaya naghintay ako ng ilang minuto. At nang lumabas na ang instructor nila ay bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko. Muli akong sumilip at mabilis akong napaatras sa pintuan nang magtama ang mga mata namin. Mas lalong dumoble ang t***k ng puso ko nang makita niya ako. Ang gwapo niya talaga!
“Kalma lang, Abby. Magbibigay ka lang ng cake at babatiin siya,” bulong ko sa sarili.
Huminga uli ako ng malalim at inayos ang sarili. Marami ng kaklase niya ang lumabas at nang siya na ang lumabas ay tila bumagal ang paghinga ko. Huminto yata sa oras ang pagtibok ng puso ko. Nakita niya ako kaya alanganin akong ngumiti dahil sa labis na kaba. Sh*t!
Ngumiti siya sa’kin ng pamatay. Naku, naloko na. Akala ko ay hihinto siya pero nilagpasan lang niya ako. No, no! Hindi pwedeng masayang ang effort ko. Kaya mula sa likuran niya kinakabahang tinawag ko siya.
“M-Mark,” hindi malakas at sakto lang na marinig niya. Nabulol pa ako dahil kanina pa ‘ko hindi mapakali.
Nilingon niya agad ako at humarap sa’kin. He’s very handsome kahit na uniform ang suot niya. He has a bad boy look na palagi kong ina-admire. Ang lakas ng dating niya lalo na kapag tinititigan niya ako ay para na akong mauubusan ng hangin. Katulad na lang ngayon.
“Kaya mo ‘yan, Abby. Kaya mo ‘yan,” bulong ko sa sarili kaya kumunot ang noo niya.
Namulsa sa harap ko at sinabit sa balikat ang bag niya. Para na akong aatakin sa puso tapos pumustura pa siya sa harap ko ng ganito. Hinihintay niya ang sasabihin ko kaya nagpaalam na ang nga kaibigan niyang mauuna na sila.
Nilingon niya ang box na hawak ko. Nanginginig ang kamay ko kaya kumunot ang noo niya. Napansin niya agad ang pagiging tensyunado ko. Kami na lang dalawa dito sa hallway kaya mas lalong nakakakaba ang katahimikan ng paligid. Kahit may ilang estudyanteng nasa baba at mga nagtatawanan ay mas nananaig ang lakas ng t***k ng puso ko.
“Para sa’kin ba ‘yan?” Siya na ang bumasag ng katahimikan. Nag-init agad ang magkabila kong pisngi nang magsalita siya.
Tumango ako at ngumiti ng pagkalaki-laki. Kahit mukhang ngiting aso ang ginagawa ko, gusto ko lang maibsan ang kaba sa dibdib ko.
Lumapit siya sa’kin kaya naamoy ko agad ang pabango niya. Ang magkabilang pisngi ko ay mas lalo yatang nagbaga nang buksan niya ang box ng dala ko. Nakalagay doon ang ang pangalan niya sa ibabaw ng cake.
Yumuko ako para ‘di makita ang reaksyon niya. Baka hindi niya magustuhan pero sana magustuhan niya. Sana dahil one week kong inipon ang pangbili sa cake na ‘to.
“Happy birthday, Mark. Sana tanggapin mo,” Nakangiting wika ko at nilapit sa kaniya ang cake.
“Thanks but, I’m allergic to cake,” wika niya.
Nanlumo ako. Okay na sana tapos biglang allergic pala siya sa cake?! Bumagsak ang balikat ko sa harap niya. Tinakpan ko ulit ang cake.
“Hey,” wika niya.
Hindi ko siya nililingon dahil ayokong makita niya ang nangingilid na luha ko. Ayokong makita niya akong umiiyak dahil lang sa allergic siya sa cake. Pero hindi lang ito basta cake dahil inipon ko ‘to. Damn it!
“Kung gusto mo sumama ka na lang sa’min mamaya. May gimik kami at nagkayayaan na doon na lang sa favourite bar namin isi-celebrate ang birthday ko,” wika niya kaya agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
Ako isasama niya? Sa bar? Naku, hindi pwede. Tiyak na gabi na ‘yon at hindi ako papayagan nina Nanay at Tatay.
“Next time na lang siguro, Mark. Marami kasi kaming assignments ngayon. Happy birthday ulit at enjoy your day,” nakangiting wika ko.
Kinagat niya ang ibabang labi na parang nanghinayang sa sagot ko. Magulo na naman ang t***k ng puso ko dahil sa ginawa niya. It looks so sexy.
“Alright, sige. Thank you ulit dito sa cake,” wika niya sabay kuha ng box ng cake sa akin.
Para naman akong nakuryente nang hindi sadyang mahaplos niya ang kamay ko. Natulala na ako at tila hindi makapaniwallang nahawakan niya ako. This is what I’ve been dreaming of. Kahit mawakan lang ni Mark ang kamay ko ay kuntento na ‘ko at natupad ‘yon! Sa sobrang kilig ay parang pwede na ‘kong kunin ni Bathala. Sempre, huwag muna kasi gusto ko pang makita si Mark.
“S-Sigurado ka? Baka ma-allergy ka,” nauutal kong wika dahil sa kaba.
“Don’t worry, mga tropa naman ang kakain para ‘di masayang,” wika niya.
Napatango ako sa sinabi niya. Ayos lang sa’kin na hindi siya makakain basta ang mahalaga ay tinanggap niya.
“Sige Mark, uuwi na rin ako. Happy birthday ulit,” nakangiting paalam ko.
Malamang kanina pa ‘ko hinihintay ni Vanessa sa baba. Kumaway ako at tumalikod na.
“Take care,” wika niya sa likuran ko.
Nahinto ang mga paa ko sa paghakbang. Ito na naman ang puso ko. Magkakasakit na yata ako sa heart nito. Take care daw? Ibig sabihin... may halaga ako sa kaniya? Nakatalikod pa rin ako sa kaniya at gustong-gusto kong sumigaw sa kilig. Kaya sumigaw na lang akong walang kahit na anong ingay. Namumula na rin ang pisngi ko.
Nang lingunin ko ay wala na siya. Umalis agad? Pero kahit na, sinabihan niya pa rin akong mag-ingat.
“O.M.G!” Pigil kong tili sa hallway.
Binilisan ko ang paglalakad dahil sa sobrang excitement. Ikukwento ko talaga kay Vanessa ang mga nangyari.