Chapter 3

1255 Words
Chapter 3 *Abby* Sobrang espesyal no’ng hapon na ‘yon. Hinding-hindi ko makakalimutan pati ang naramdaman ko. Ang saya at ang sarap magmahal. Maraming nangyari at kahit crush ko pa lang siya ay iniiyakan ko na. Sunod kong kinuha ang panyo niyang pula na inabot niya sa’kin noong umiiyak ako sa may hagdanan sa eskwelahan. Broken hearted ako noon kahit wala naman akong boyfriend. Nage-emote lang ako dahil sa nalaman ko ngayon lang. “Abby?” Isang pamilyar na boses ng lalaki. Tiningala ko at halos lumuwa ang mata ko nang makita si Mark na nakatayo sa likuran ko. “Why are you crying?” wika niya na may halong pag-aalala. Umiling ako at pinunasan ang luha. Nakakahiya kung aaminin ko ang totoo kung bakit umiiyak ako ngayon. Hindi niya alam na crush ko siya dahil hindi ko naman inaamin. Nakakahiya kaya, pero kung sasabihin ko sa kaniyang siya ang iniiyakan ko dahil may girlfriend na siya ay mas lalong nakakahiya ‘yon. “Tell me,” mahinahong boses niya. Suminghot ako bago nagsalita. “May gusto akong tao, gustong-gusto. Kaya lang... nalaman ko lang kanina na may girlfriend na pala siya.” Muling binalot ng kirot ang puso ko nang maalala ang sinabi sa’kin ni Vanessa kanina. Narinig lang daw niya ‘yon kaya hindi pa sigurado. Pero ito ako ngayon, naghihinagpis na kahit hindi naman dapat dahil wala ako sa lugar. Kahit wala pang kasiguraduhan ay dinidibdib ko na. Dinukot niya sa bulsa ang pulang panyo at inabot ‘yon sa akin. “Here,” wika niya. Nahiya ako bigla, aabutin ko ba o hahayaan lang ang kamay niyang naghihintay. Nahihiya ako kaya kinuha ko na lang at pinunas ‘yon sa luha ko. Dinidiinan ko pa ang pagpunas dahil ang bango-bango ng panyo niya. Ganitong-ganito ang pabango niya na palagi kong gustong amuyin. Sa kabila ng pagiging broken hearted ko ay nagagawa ko pang kiligin sa mga oras na ‘to. “Mauna na ‘ko, Abby. Take care,” wika niya at mabilis akong nilisan. Naiwan akong tulala na naman habang hawak ang panyo niya. Kahit broken ako kanina ay parang pakiramdam ko, wagi naman ako. Meron na naman akong itatago na galing sa kaniya. Nasa akin na ang sumbrero niya at ngayon naman ang panyo niya. Sana susunod ay brief na niya! Mahina akong natawa sa sarili dahil sa inisip. Pati ba naman brief niya ay gusto kong itago. Kung mangyayari man ‘yon ay asawa ko na dapat siya. Asa naman akong magugustuhan niya. Eh, may girlfriend na nga ‘yong tao at malamang hindi ako ang type niya. Bumalik na naman sa pagdurugo ang puso ko dahil sa inisip. Pero tuwing makikita ko ang panyo niya ay napapangiti ako. Kabaliktaran yata ngayon. Pinunasan ko ang luha gamit ang panyo ni Mark. Mas kailangan ko ito ngayon. Totoong heartbreak na ‘to at hindi kaartehan ko lang. O baka katulad lang ‘to ng dati na may girlfriend siyang iba at ako ay assuming lang? Umaasang totoo ang mga naririnig at nakikita. Umaasang totoo na boyfriend ko talaga siya. Hindi naman niya ako niligawan o ano man. Ako ang naglagay sa sarili ko sa ganitong sitwasyon. Masyado akong marupok at mapusok. Pero bakit tumagal ng halos dalawang taon? Ano ‘yon, nagbibiruan lang kami? Lalong bumigat ang nararamdaman ko dahil sa mga katanungan sa isip ko. Na maski ako ay hindi ko masagot kung totoo ba ‘yon o ako lang ang nag-iisip. Pero nasasabi ko sa kaniyang mahal ko siya. Sapat na ba ‘yong dahilan kahit na, ni minsan ay hindi niya ako sinabihan ng ‘I love you’ man lang? Sa loob ng halos dalawang taon ay never niyang sinagot ng ‘I love you too’ ang mga I love you ko. Parang nasagot din ang mga katanungan sa isip ko nang maalala ang pagtawag ko kanina sa number niya. Babae ang sumagot at nagpakilalang girlfriend siya ni Mark. Gusto ko na lang maawa sa sarili ko dahil sa nararamdaman ngayon. Wala akong mapagsabihan dahil nahihiya akong abalahin pa si Vanessa. Buntis pa naman daw siya at bawal siyang ma-stress. Marami pang gamit ni Mark ang nasa loob ng box, pati ang jersey niya noong may palaro sa school. Bumalik agad ang alaala noon, kung paano ko siya suportahan at i-cheer pati tubig niya at towel ay ako rin ang nag-aabot. Mukha na nga daw akong girlfriend sabi ni Vanessa kahit hindi pa kami ni Mark noong mga panahong ‘yon. Nakita ko din sa box ang isang maliit na hikaw, silver ‘yon at nag-iisa lang. Hikaw ito ni Mark, iisa lang dahil iisa lang din ang butas niya sa tainga. Nakatago sa’kin dahil ako mismo ang nag-utos sa kaniya na alisin niya. Mas lalo kasi siyang nagmumukhang bad boy kapag may hikaw. Sempre, gusto ko rin na maging maayos ang pagtingin nina Nanay at Tatay sa kaniya. Ayokong pag-isipan nila si Mark ng masama. Pero papaano ko ngayon ipagtatapat kina Nanay na may nobyang iba si Mark. Sumagitsit muli ang kirot sa puso ko. May girlfriend na siyang iba. Break na ba kami? Sinabi niya ba pagkatapos nang nangyari kagabi? Ang alam ko lang ay galit siya at dismayado sa akin. Hindi ko naibigay ang gusto niyang mangyari. Na madalas naming pinag-aawayan mula no’ng birthday niya last year. Gusto niya talagang may mangyari sa’min pero takot ako at may paninindigan sa sarili. Gusto kong sa tamang panahon mangyari at sa taong para sa akin na talaga. Boyfriend ko si Mark pero wala akong matibay na dahilan para ialay ang sarili sa kaniya. He never said, he loves me. Pumupunta siya dito at madalas ay natutulog pa sa kwarto ko. Dito rin sa kwarto ko maraming beses na gusto niya akong angkinin at nagtatapos lang ‘yon sa away. Kaya ba naghanap siya ng iba? O baka matagal na siyang may iba, hindi ko lang alam. Napuno na naman ng katanungan ang isip ko na lalong nagpapahirap sa damdamin ko. “Abby, anak,” boses ni Nanay habang mahinang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Pinunasan ko agad ang luha sa pisngi at mata. At mabilis na tinago ang mga gamit ni Mark sa box saka nilagay sa aparador kung saan ko kinuha kanina. Inayos ko muna ang sarili bago buksan ang pinto. Bumungad ang nakangiting si Nanay. “Happy birthday, anak. May bisita ka sa labas. Kay gwapong binata!” nakangiting wika ni Nanay sabay pumalakpak pa. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa pinapapunta ang mga kaklase ko at si Vanessa, malabong makadalo. At si Mark lang naman ang lalaking inimbita ko. “At mukhang mayaman anak kasi naka-dekotse pa. Naku, labasin mo na at nakakahiya dahil naghihintay siya. Ikaw na munang bahala sa kaniya dahil nagluluto pa ako ng mga handa mo para mamaya,” wika ni Nanay at iniwan akong tulala at tila iniisip kung ano ang mga sinabi niya. Kaarawan ko pala ngayon, hindi ko na naalala pa dahil sa mga nangyari. Kung kahapon ay excited ako para sa araw na ‘to, ngayon ay wala na akong gana. Paano ako magsasaya kung wasak nga ang puso ko? Wala pang isang araw pero parang ang dami ng naganap. At may bisita raw akong gwapong lalaki? Si Mark ba ‘yon? Pero nakakotse raw kaya malamang hindi si Mark ‘yon. Naka-motor lang siya palagi at wala siyang kotse. Eh, sino ‘yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD