Kirsten ILANG ARAW na ang lumipas, at sa loob ng mga araw na iyon ay hindi ko na nakikita pa si Dark. Nakakalungkot lang dahil ang boring na naman ng buhay ko rito sa loob ng bagong bahay na nabili ko mula sa kapatid ni Kevin. Mag-iisang linggo na rin ngunit ni anino ni Dark ay wala. Naiintindihan ko naman dahil malamang ay abalang-abala ito sa trabaho niya. Hindi rin ako makalabas ng bahay gaano dahil sa takot na baka may nag-aabang sa akin sa labas ng bahay ko. Baka may ipinadalang tauhan si Tito at ipadakip na naman ako bigla. Sa ngayon ay nagkakagulo ang siyudad dahil sa biglaang pagkawala ni Uncle. Pumalit pansamantala sa kaniya ang vice mayor na kaanak din namin. Tiyak na nagtatago pa rin ang grupo nila ngayon. Noong mga nakaraan nga ay nagbayad ako sa mga lalaki upang kuhan

