Kirsten Lumipat sa kabila ang tingin ko nang mapansin kong may lalaki roon na hindi pamilyar sa akin. Tila ito na ang tatay ni Dark. Napatango-tango ako. Nakasuot din ito ng uniporme ng mga pulis ngunit halatang may edad na ito. Ang dami pang mga litrato ni Dark dito na nakakamangha pagmasdan. Mayroong magkasama sila ng kakambal niya, buong pamilya, training sa pagpupulis, at kung ano-ano pa, ngunit walang kulay ang ibang litrato na narito, halatang matagal na. Napahinga ako nang malalim at nakuntento na sa mga nakita. Ang tatapang nila, siguro kung wala lamang sakit sa puso si Grace ay baka maging pulis din ito paglaki o kaya ay maging sundalo. Napapansin ko lamang. Parang ang bata pa ni Dark para mamuno sa kapulisan nila rito. Usually kasi sa mga nakikita ko ay halos lahat ng mga

