Kirsten “Mamaya ay ipapainom ko sa iyo ‘yong dinikdik na oregano. Maganda raw iyon para sa sakit mo.” Iyon ang naging bungad sa akin ni Dark nang makitang humatsing ako pagkagising ko ng bandang hapon. Matamlay akong tumango rito at nagpasalamat habang natutulala sa kawalan. Literal na bangag pa ang utak gawa ng kagigising pa lang. Mayamaya ay nag-isang linya ang mga labi ko nang bigla na lang sumagi sa isip ko ang nangyari kaninang umaga. Ano na kaya ang balita sa grupo ni Tito? “Manika.” Napa-igtad ako bigla nang bulungan ako nito malapit sa tainga ko. Marahan ko itong nilingon at saka kinunotan ng noo. “Po?” Akala ko ay sasagutin ako nito, ngunit wala itong naging imik, dahilan para bumaba ang tingin ko sa hawak nito. Nakagat ko ang ibabang labi nang mapansin ko ang isang h

