Kabanata 17

3122 Words

Napatawa ako nang pagak. “Sige lang, Ate Marisa. Siraan mo lang ako nang siraan at  asarin hangga’t gusto mo, hindi naman ako ang manginginig sa takot sa susunod dahil sa ilalahad kong ebidensiya tungkol sa mga pinaggagagawa ninyo. Good luck.” Nginitian ko ito nang mapansin ko ang pagkaasar sa mukha niya. “Edi sige, ilabas mo ‘yang ebidensiya mo. Magkakasiraan tayo lahat dito, Kirsten,” buwelta nito sa akin. Hindi ako nagpatinag, ngunit napatigil lamang kami nang magsalita si Tito na ikinakabog ng dibdib ko nang malakas. “Damputin n'yo ang pamangkin ko at ikulong sa basement. Dalian ninyo!” Muli akong nagimbal sa narinig. Ano? Ikukulong ako? Agad akong pumalag nang may mga nagsilapitan sa akin na lalaki. “Bitiwan ninyo ako!” galit kong pahayag nang hawakan nila ako sa magkabilaa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD