Kirsten Awtomatiko akong natigilan sa sinabi nito. Agad naman nitong ibinalik ang pantakip sa mukha bago dire-diretsong lumabas ng kuwarto upang umalis. Hanggang sa makaalis ito ay dala-dala ng isip ko ang narinig. Good luck para sa amin ng anak ko? Ano ang ibig niyang sabihin? Natulala na lamang ako habang gulong-gulo ang isip. May posibilidad kayang buntis ako? Pero... Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba at pamamawis kahit na malamig naman ang buong kuwarto. Napatakip ako ng bibig at napaluha. Hindi pa maaari. Ngayon pang may namumuong dobleng problema sa buhay ko. Pipi akong nanalangin na sana ay hindi iyon totoo, na gawa-gawa niya lamang iyon upang dagdagan ang takot ko. Ngunit paano naman kung totoo? Hindi iyon imposible dahil may ilang beses nang nangyari sa ami

