Kirsten A week later, matapos asikasuhin ang civil wedding namin ay tuluyan na iyong naganap. Bahagya nang humilom ang mga sugat na natamo ni Dark kaya nakaya na nitong tumayo nang maayos. Simple lamang ang kasal na naganap at tanging ina ni Dark at kaibigang si Kevin, si Governor—pati na ang asawa nito lamang ang saksi sa pag-iisang dibdib namin. Masyadong pribado at hindi na namin ipinaalam sa kung kani-kanino para na rin sa kaligtasan. Hindi ko masukat kung gaano kasaya ang mukha ng lalaki, maging ako man, dahil sa wakas ay asawa ko na siya. Tila ba wala na akong pakialam sa mga agam-agam ko, basta nakikita ko lamang itong maaliwalas ang mukha ay pakiramdam ko, okay na ang lahat. Nagmulat ako ng mga mata matapos ang ilang segundong halikan namin sa harap ng mga saksi. Lihim ko pa

