Kirsten “Ano pa nga ba ang magagawa ko?” Inis nitong binitiwan ang braso ko na ikinasimangot ko. “Wala ka ba talagang kapatid na babae? O kahit pinsan?” Naningkit ang mga mata ko rito. “Kung may kapatid ako, edi sana ay hindi ako nag-iisa noon. At ano naman ang gagawin mo kung may pinsan akong babae? Liligawan mo ba? Kung handa kang makipag-away sa mundo ay bahala kang manligaw sa isa sa mga iyon. Basta huwag mo lang akong guguluhin.” “Oo, gusto kong bahiran ng Montehermoso ang lahi ninyo,” tugon nito na ikinabagsak ng panga ko. Mayamaya ay sinimangutan ko ito. “Huwag mo na nga akong kausapin. Ayaw kitang kausap.” Ambang tatalikuran ko ito nang higitin na naman niya ako. Gigil ko itong tiningnan nang hilahin niya ako palayo roon upang itago. “Ano ba!” Handa na sana akong mataranta

