Kirsten “...pinapaalalahanan namin ang lahat na mag-ingat sa paparating na bagyo. Ayon sa mga eksperto, may tyansa itong lumakas pa lalo dahil sa...” “Tingin mo okay na kaya ito?” alanganing tanong ko kay Dark at iniuma sa bibig niya ang ginawa kong Tinolang manok. Iyon ang bagong luto na pinag-aralan ko kaninang umaga, para naman ay may alam ako sa pagluluto nang mga ganito. Pangkuha na rin sa loob ng pamilya ni Dark. Narito kami sa kusina habang nakikinig siya sa radio. Ang ina at ibang kaanak naman ni Dark ay ang pumalit sa amin sa hospital kaninang umaga dahil magdamag kaming naroon upang bantayan ang kalagayan ni Grace. Nasa ICU pa ito at mayamaya lamang ay ililipat na siya sa regular room niya. “Okay na, baby. Tiyak na magugustuhan nila iyan mamaya kapag natikman,” ani Dark mat

