Kirsten Isa-isa kong sinuri ang mga bestida at gown na bagong dating dito. Naka-box na ito at okay na okay sa akin ang bawat detalye. Matibay ang pagkakatahi at maganda ang kalidad ng tela. Napatango-tango ako nang masuri ko na lahat at napangiti sa kasiyahan. “Okay na po ito, Kuya Harold,” wika ko habang binibilang lahat ng box. Mga nasa dalawampu rin iyon kung kaya’t napangiti ako lalo. “Next week din po ay darating na rin ang mga bagong order na bestida,” dagdag ko pa. Ngumiti sa akin si Kuya Harold habang inilalagay sa sasakyan ang mga kahon. “Okay po, Ma’am.” Nagpaalam na rin ito na aalis na upang ihatid sa shop ang mga damit kaya naman ay agad kong ipinasara sa guard ang gate upang maka-iwas na rin sa mga masasamang loob. Nagmartsa ako papasok ng bahay. Nadaanan ko pa si

