Kirsten “How are you, Kirsten? I am very happy to meet you again.” Mariin kong kinagat ang ibabang labi habang pinagmamasdan ang ipinapagawa kong parke rito na malapit lang sa bahay ni Dark. Malapit na rin itong matapos at ilang araw na lamang ay magagamit na rin ng mga tao. Malawak din ang espasyo na binili ko dahil nais kong malagyan ng basketball court at volleyball court itong lugar, na maaaring pagsanayan ng mga kabataan. At ang lalaking katabi ko ngayon ay ang Spanish na pinsan ni Gov sa side ng ina niya. Ewan ko ba rito at kanina pa dikit nang dikit sa akin. Kung nandito lamang si Dark ay baka nag-away na naman kami niyon, masiyado kasing seloso. Napahinga ako nang malalim. Ayaw kasi nitong makipag-inuman sa mga kamag-anak nito ngayon na narito rin at nakatambay kasama

