Kirsten Tumango ito. "Ah, cous, bakit hindi mo subukang tumakbo bilang mayor ng Iloilo city? Malapit na ring matapos ang termino ni Uncle Raymond. At isa pa ay wanted na siya at makukulong na rin sa susunod, ang vice mayor na lang ang namamahala roon sa inyo ngayon. Mas maganda kung papalitan mo ang kurakot na lalaking iyon. Salot iyon, e." Nabigla ako sa sinabi nito. Ngunit agad na nag-init ang ulo ko sa narinig. "Bakit? Hindi ka ba kurakot at salot?" sarkastikong sambit ko. Akala niya ba ay wala akong ideya sa mga pinaggagagawa niya noon bilang governor ng probinsiya ng Iloilo? E, sakit din siya sa ulo. "Isa pa ay wala akong balak na sumali sa mga ganiyan. Lalo ko lamang ipapahamak ang sarili ko. So, no way," matigas kong saad at humalukipkip. Napatingin silang dalawa sa akin. Nata

