Kirsten Hindi naman ganoon kalayo ang pinagdalhan sa amin. Sa isang may kalakihang presinto sa Manila huminto ang sasakyan. Kanina ay isinakay nila kami sa police mobile car, kasama ang mga babae na nahuli nila sa bar na pinasukan namin. Nagkaroon pala roon ng raid. At kanina pa ako kinakabahan dahil wala pa rito si Tito, hindi pa ako kinukuha. Tiyak na iniwan na nila ako. Kaya sino ang kukuha sa akin dito? Hindi pa naman ako maalam sa pagbiyahe nang mag-isa. Kanina pa ako inaantok dahil magga-gabi na rin. Wala pa akong kain, ni inom man lang. Napabuntong hininga na lamang ako. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga babaeng nahuli kasama ko dahil sa kabagutan. Aaminin kong nakakahabag sila tingnan ngayon dahil ang iba sa kanila ay nagmamakaawa at umiiyak dahil gusto na nilang makauwi sa ka

