Kirsten “Miss, nariyan na ang sundo mo.” Napatayo ako bigla nang may magsalita. Napatango ako at nagpasalamat sa officer bago balingan ng tingin ang pinto. At halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang dalawang Dark. Tuloy ay hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko sa kanila. Ang isa ay tingin ko ‘yong kakambal ni Dark, dahil iyon ang naka-uniporme ng pang-pulis dito. At ang isa naman na tingin ko ay si Dark ay naka-sibilyan at may itim na sumbrero sa ulo. Parehas masama ang timpla ng mukha nila kaya nag-aalangan ako kung lalapit pa ba ako. Ito pala ang susundo sa akin ngayon, ngunit may trabaho ito, a? Nakakabigla lamang. “Manika, halika na,” seryosong ani Dark at saka ako nilapitan upang hawakan sa pulso. Kita ko pa ang pagtagis ng bagang nito nang makita ang suot kong

