Kirsten Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong lumapat na kung ano sa labi ko. Pupungas-pungas akong nag-angat ng ulo upang tingnan si Dark. Kumunot ang noo ko at natigilan. “H-Hinawakan mo ba ang labi ko, Chief?” inaantok kong tanong dito. Napalingon ito sa akin mula sa pagkakatanaw sa labas. Pulang-pula ang mukha nito at hindi makatingin nang diretso sa akin. Ano ang nangyari sa kaniya? Nabigatan ba siya sa akin? Kung ganoon ay hindi na dapat ako sumandal pa sa dibdib niya. “H-Hindi, a! Bakit naman kita hahawakan sa labi?” Tumagilid ang ngiti nito sa akin. Napatango-tango na lamang ako. Baka nasanggi lang ako o kung ano. Napalingon ako sa bintana. Anong oras na kaya ngayon? Pansin kong parang magtatanghali na. Binalingan ko ang driver na napansin kong pasulyap-suly

