Nang makabawi si Lucas sa panlalambot ng tuhod na nadarama, ng makita ang anak ni Anna, na sigurado siyang anak din niya ito ay nagmadali na silang lumabas ng restuarant na iyon ni Diesel. Nagmamadali silang nagtungo sa parking lot na mall na iyon para makita sina Anna, pero nasa may limang minuto na silang naghahanap hindi na nila ito nakita. Napaupo naman si Lucas sa tabi ng daan, dahil sa panlulumong nararamdaman. Nasa tabi na niya si Anna, pero hindi pa rin niya ito nakausap, at ngayon ay nawawala na naman. Binalikan siya ni Diesel na kita din niya ang namumuong pawis sa noo, na pinalis ng braso. Naupo ito sa kanyang tabihan, at narinig ang mabining tawa nito. "Anong nakakatawa kuya? Natatawa ka ba na hindi natin naabutan si Anna?" Inis na sambit ni Lucas sa kaharap. "Actually br

