Pagkapark na pagkapark ng kotse ni Dimitri ay mabilis niyang pinuntahan at binuhat ang natutulog na si Lucci na nasa back sit, at dinala kaagad sa kwarto ng mag-ina. Nang masiguradong maayos na ang pwesto ni Lucci ay mabilis namang bumalik ng sasakyan si Dimitri para balikan si Anna. Nandoon pa rin si Anna, at hindi na naman makausap ng maayos. Umiiyak na naman ito at nakatingin sa kawalan. Walang nagawa si Dimitri kundi buhatin ang dalaga. Sa tagal niyang nasa poder si Anna ay hindi nito sinabi ang dahilan kung bakit ito nagkaroon ng depression noon. Basta noong mapansing hindi maganda ang kalagayan ni Anna, ay ipinagamot niya ito sa doktor. Hanggang sa nakatulong na rin nga ang ambiance sa paligid na kinatitirikan ng kanyang bahay. Kaya napabilis ang pag-galing nito, lalo na ng dumatin

